Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako sa gusto ni Mr. Ferrer na ako ang mamahala ng pagpunta ng team n’ya sa location ng bagong resort na inatayo ni mommy sa Palawan. Gustohin ko man na umatras wala na akong magagawa dahil pumayag na ako at ngayon nga ay nag aayos na ako ng gamit ko para sa dadalhin ko mamaya papuntang Palawan. Mas mainam na rin siguro ‘to na wala ako dito sa Maynila kung saan nandito ang mga taong iniiwasan kong makita. Kahit na nag aalangan akong umalis ay itutuloy ko na ‘to para matahimik na ang loob ko at makalayo sa kanila kahit paano. Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang umiaw yon kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag message sa akin. Napangiti na lang ako ng makita ko kung sino ‘yon kaya naman mabilis akong nagreply sa kanya. Halos ar