Tatlong araw simula ng makapag-usap kami ni Alton at sa loob ng tatlong araw na yon ay wala na rin s’yang paramdam. Dapat ay maging masaya ako dahil sa loob ng tatlong araw ay tahimik ang buhay ko dahil walang kumukilit sa akin pero eto ako ngayon parang tanga na hindi ko maitindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko s’ya hinahanap sa tuwing pumapasok ako sa opisina. Nasisiraan na ata ako ng ulo dahil sa nararamdaman ko na ‘to, galit ako sa kanya at hindi ko dapat s’ya hinahanap. Mas mabuti nga ung ganito na wala s’ya dahil walang umiistorbo sa trabaho ko at walang nangungulit. Kaya ayokong makita sila lalo na s’ya kasi ganito ung mararamdaman ko at nagiging traydor ang puso ko. Apat na taon Anastasia, alalahanin mo ung nangyari sa’yo sa apat na taon na ‘yon kun