HINDI ko alam kung tatadyakan ko o babatukan ko si Ravano dahil habang tumatagal, mas lalo pa s’yang nagiging honest sa ‘kin. Hindi ba s’ya natatakot na baka hindi ko s’ya sasagutin dahil binubulgar na n’ya agad ang mga plano n’ya? The heck, hindi ko naman masasabing tigang ako kagaya n’ya because, in the first place, I don’t need a man. Pasalamat ako kung mero’n pero kung wala, okay naman. Imbes na magalit ako sa mga kahalayan n’ya, tinawanan ko na lang. Namangha ako dahil to be honest again, s’ya pa lang din ang nagiisang lalakeng nag-r-reveal ng gustong gawin sa ‘kin. ‘Yong ibang lalake kasi, puro pa-sweet sa una na parang hindi maka-basag ng plato pero kinalaunan, mas malandi pa pala sa ‘kin at gusto lang pala maka-chansing. Tumagal pa siguro ng thirty minutes ang biyahe namin han