TUMAGILID ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal n’ya. Nananalaytay kaagad ang pangmamanhid sa aking pisngi. Napa-tulala ako at bahagya pang nandilim ang aking paningin. Naka-kita pa ako ng mga shooting stars kahit umagang-umaga. My head went blank. In my twenty seven years of existence, ngayon lang ako naka-tikim ng ganito ka-bagsik na sampal. Mas malakas pa sa mama ko. Mas doble pa iyon. And then, I realized… ganito ba lagi ang pinaparanas n’ya kay Ravano? Kaya pala namula talaga ang pisngi n’ya ng husto. “Sinugaling ka. Dapat lang sa ‘yo ‘yan! For your information, I don’t like liars!” Dahan-dahan kong hinarap pabalik ang pagmumukha ko sa kan’ya. Umuusok pa rin ang kan’yang ilong. Hindi nagbabago ang nananaksak n’yang mga mata pero ako, parang hindi ko na yata kontrolado ang utak ko