KAHIT naka-handusay na s’ya sa sahig, sinugod ko pa rin s’ya dahil sumusobra na talaga ang babaeng ‘to. Akma ko s’yang uupuan sa tiyan para mabasag ko na ang mukha n’ya na kanina ko pa inaasam pero may biglang umangkla patalikod sa mga braso ko at pag-lingon ko, stepdad ko pala iyon. “Bitawan mo ako baka sa ‘yo pa maliligaw ang suntok ko,” nananganib kong banta habang sinusubukang pumiglas pero kinapitan na nga ang upper arm ko kaya hindi ko tuloy magawa ang gusto ko kay Lizah. “I have told you to calm down Nica!” ‘A ‘yan na, my mom shouted at me. That is my warning. Binalik ko na ulit ang aking pagkakatitig kay Lizah. Naka-higa pa rin s’ya sa malamig kong sahig habang naka-luhod na si mama roon para masubukan s’yang patayuin. Hindi ko rin inaasahan na masisilayan ko ang tumutulong dugo