BAHAGYANG lumaki ang aking mga mata hindi dahil sa banta n’ya. He just cursed at the microphone?! Ang crispy ng mura ng unggoy! What the hell?! Napagtinginan tuloy ako ng mga tao rito lalong-lalo na ang mga nasa front desk. “I have told you to behave, Kev! Huwag mong galitin si Sir Rav! Malalagot na naman tayong lahat dito!” saway ulit sa kan’ya ni Jessie. Binaba ko na ulit ang aking ulo para matitigan na sila. “Just a minute, Miss Nica,” nagmamadaling usal n’ya pa. S’ya na mismo ang nag-paalis sa dalawang lalake pero nag-sorry naman sa ‘kin ‘yong Kev. Med’yo uncomfortable nga naman talaga ang tinginan n’ya sa ‘kin but I don’t mind anyway. Ayaw kong gumawa ng eksena rito. Iginala ko ulit ang mga mata ko sa paligid lalo na sa ceiling. “I knew it,” bulong ko naman sa sarili na’ng makita