HABANG binabanggit n’ya ang mga salitang ‘yon, halos maluwa ang mga mata ko. Sobrang gamahan naman n’ya?! Is she f*****g serious?! Bubutasin n’ya ang bulsa nina Ravano at ng stepdad ko?! “Can you do that for me? Kapalit ni Nica?” She crosses her arms around her chest. “It’s a ridiculous idea, right? At alam kong hindi papayag si Rovano sa gusto ko so, you can’t marry my daughter. Hindi ako papayag sa divorce.” I knew this would come. Alam kong hindi talaga s’ya sasangayon. Sobrang mukhang pera ni mama. Hindi ko alam kung alam n’ya ba ang word na ‘makontento’. “Walang makakapigil sa akin. I don’t care if she is your daughter. Kung hindi mo kayang tanggapin ang isang daang milyon, it’s not my problem anymore. Tatanggapin mo o hindi, aangkinin ko pa rin si Veranica.” Biglang dumilim an