I WAS pushing him away palayo sa pintuan ng k’warto ni Ravano. Tumigil lang din kami sa pinto ng silid n’ya. Hininto ko agad ang pagtutulak ng kan’yang likuran. He faced me. Nahihikab pa nga rin ang loko. “Hindi ka ba papasok sa loob?” tanong n’ya sa ‘kin pagkatapos n’yang humikab. Naluluha pa nga ang corners ng mga mata n’ya na halatang bagong gising talaga. “Saan? Do’n sa k’warto ni Ravano?” “Of course, yes. Hindi naman puwedeng sa akin,” pamimilosopo n’ya. “And why would I do that?” taas kilay kong tanong. He shrugged his shoulders. “They were alone inside. Baka kung ano ang gagawin ni Lizah kay Balthazar.” Dapat ko bang ipagalala ‘yon? Ni hindi nga maka-dikit ang babaeng ‘yon sa kan’ya kaya hahayaan ko na lang. “Today is your first day, right?” “Maybe. Pupunta kami sa company bu