DAHAN-DAHAN akong napa-buntong hininga. Galit na naman ang mama ko at alam ko na kung bakit. Mukhang sinumbong ni Lizah ang ginawa ko kanina, malamang. I met my mom’s deadly stare. Naka-salubong din ang kan’yang de-ahit na kilay na nakakadagdag ng intensity ng masama n’yang tingin. “About what, mom? Ano ang paguusapan natin?” kalmadong tanong ko kahit alam ko naman kung ano. Gusto ko lang marinig mismo sa kan’yang bibig ang sumbong ni Lizah. Hindi naman magagalit ang mama ko na walang dahilan at isa pa, okay kami bago umalis ng bahay. Si Lizah ang may pakana kung bakit tumubo ulit ang sungay ni mama. “Umalis lang ako sandali, may ginawa ka na agad na gulo, Nica? Ganito mo ba tratuhin ang ating bisita?” taas noong tanong ni Mama habang hindi talaga ma-drawing ang mukha n’ya. Pinigilan k