BAGO tuluyang sumabog ang puso ko sa pambobola ng unggoy na ‘to, inutusan ko s’yang mag pahinga muna dahil parang lubog na lubog na ang kan’yang mga mata. Nahigop yata ang kalahati ng lakas n’ya sa mahaba naming biyahe. Buti na lang hindi rin ako nasuka. Hindi ko in-e-expect na ganoon kalala ang curve ng kalsada dahil iyon talaga ang mas nakakahilo. Lupaypay tuloy ang unggoy na 'to. “No, I still want to talk with you. It’s too early to rest,” tutol n’ya sa utos ko. “Hindi p’wede! Matulog ka nga muna!” singhal ko sa kan’ya. Ang totoo n’yan, gusto ko lang naman tumakas dito dahil nahihiya naman akong umalis na walang dahilan. “Tingnan mo nga ‘yong pagmumukha mo—“ “Guwapo ba?” pangaasar n’ya sa ‘kin at inangat ng sabay-sabay ang kan’yang makakapal na kilay. He showed all of his front tee