UMUWI AKO sa bahay na may ngiti sa mga labi. I don’t know. Nakakatuwa palang kasama si Ayden. Pagkatapos naming maglaro ng M.L, pumunta pa kami sa Plaza Rizal, naglalaro sa seesaw. First day pa lang ng klase pero kampante na ang pakiramdam ko sa kanya.
“Anong klaseng ngiti ‘yan, Frostine?” Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni mama. Nasa huling baitang siya ng hagdanan at nakapamewang. Nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin.
I scratched my brows and gave her a smile. “Malamang, ma. Gumala ako kasama sina Jessile.” Lumapit ako kay mama at nagmano. I kissed her on the cheek.
“Sure ka? Baka mamaya jowa mo na ‘yang kasama mo. Sus! ‘Kaw na bata ka. Kurutin ko ‘yang singit mo, eh.” Agad akong lumayo no’ng akmang kukurutin niya ako. Napasimangot ako sa kanyang sinabi.
“Ma, alam mo namang pass muna ako sa gan’yan. Sa college nga lang kasi, eh.” Kulit talaga nitong si mama. Minsan, ayaw niyang may jowa ako. Minsan naman, gusto niya. Ewan. Nakakalito ang takbo ng utak niya. Ano ba talaga, ma? Gusto mo akong popokpok o hindi? Charet. Hard pass.
“Tingnan lang natin, Frostine. Lagot ka talaga sa ‘min ng papa mo. Bihis ka na ro’n!” Tinuro niya ang itaas. Agad naman akong umakyat bitbit ang aking sapatos. I put my shoes inside the shoe cabinet and went to my room. Napatingin ako sa orasan. Alas-tres na pala ng hapon. Grabe, did I just spend my time having fun with Ayden?
Napailing-iling na lang ako. I took a half bath first and changed into comfortable sleepwear. I charged my phone and turned my laptop on. Usually, kapag half day o walang pasok, I spend my time watching movies and kdramas on Netflix. Now, I have other plans.
I logged into my f*******: account and searched Ayden’s f*******: page. Agad ko naman iyong nakita at napangiti nang makita ang mga kuha nito. His shots are great! May mga graduation pics at wedding pics din doon na ikinamangha ko. Surely, kilalang-kilala si Ayden sa mundo ng photography! Tamang-tama ang anggulo and he also takes surreal photos. Magaling din ang editing skills!
Napunta ako sa reviews section at puro 5 stars ang nakikita ko. Napangiti ako nang malawak. Hindi halata! Nakakamangha lang na may part-time job siya. Surely, it feels great to make a living from your passion.
“Husay ng abno,” banggit ko habang nagi-iscroll down. Anong edad kaya siya nagsisimula na maging freelance photographer?
“Oy, nanonood ka ng p**n, ‘no?” I jumped out of my seat upon hearing my sister’s voice. Tiningnan ko siya. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakasukbit pa sa kanyang balikat ang backpack. Walang emosyon ang kanyang mukha. Halatang badtrip. Kumunot ang aking noo.
“Ang aga mo ‘ata, ate?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at saka naglakad papasok sa kanyang kwarto. I shrugged. Bahala siya. Minsan talaga, may saltik sa utak ‘yon, eh. Parati kaming nag-aaway ng ate ko tapos bukas, magkakabati rin. Sobrang toxic niya lang kasi, eh.
“Frostine!” Napairap ako nang marinig ang kanyang sigaw. May bahid ito na galit. Mukhang may magaganap na naman na away, ah.
Padabog akong tumayo at nagtungo sa kanyang kwarto. Galit na galit ang kanyang itsura at parang may hinahanap siya. Binuksan niya ang mga drawer. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at tiningnan siya, naghihintay na mapansin niya ako.
“Frostine!” muling tawag niya sa pangalan ko. I rolled my eyes heavenwards. Ano na namang meron?
“Bakit?” Marahas niya akong binalingan. Salubong ang kanyang mga kilay at igting ang kanyang panga. Ano bang ikinagagalit niya?
“Bakit mo kinuha ang 500 ko?” Kumunot ang aking noo. ‘Yan na naman siya. Biglang nanga-akusa na walang ebidensya.
“May ebidensya ka na kinuha ko? Baka hiniram ni mama,” mahinahong sabi ko. Kapag nag-aaway kami, ako talaga ang mahinahon tapos siya itong grabe kung makasigaw. ‘Yong tipong nagsisilabasan na ang mga ugat sa leeg.
“Anong ebidensya sinasabi mo r’yan? Ikaw lang naman ang magnanakaw rito!” Napantig ang aking tenga sa narinig. I gritted my teeth and clenched my fist. Natawa ako nang mapakla. Pilit kong huminahon at pag-aralan ang kanyang itsura. Alam kong galit na siya mula no’ng dumating siya rito. Nadagdagan pa no’ng nakita niyang nawala ang kanyang 500. Binubuntong niya ang kanyang galit sa akin because she sees me as a weak person. It’s a psychological defense mechanism called ‘displacement’.
Napahilot ako sa aking sentido. Mariin ko siyang tiningnan. “What a grave accusation. Paano mo nasabing magnanakaw ako, ate? May ninakaw ba ako sa ‘yo? Mula noon, wala naman, ‘di ba? Bakit mo nasabi iyan?” I said in a low voice. Anong klaseng reasoning ang meron siya? Bulok na reasoning? Natahimik naman ang ate ko ngunit, ‘di pa rin nawala ang galit sa kanyang mga mata.
‘Di nagtagal ay binuksan niya ang kanyang mga labi upang magsalita. “Aba? At sumasagot ka na? Tandaan mo, Frostine, ako pa rin ang nakakatanda sa ating dalawa.” ‘Yan. D’yan siya magaling. She always uses the ‘aKo pA riN ang NakakAtAndA sa AtinG dalAwa’ card and it frustrates the hell out of me. ‘Yan kasi ang problema sa mga nakakatanda, eh. Ayaw nilang pinupunto ng mas nakababata pa sa kanila ang kanilang pagkakamali. Kapag natamaan ang kanilang ego kahit pa gaano ka pa kahinahon magsalita, tatawagin ka nilang ‘bastos’ o ‘di kaya ‘sumasagot-sagot’, when in fact, hindi naman.
“Ate, ‘di naman kita sinasagot. May kaibahan sa pagsasagot-sagot at pagde-depensa. What I was doing was defending myself through questioning you. Kung iniisip mong binabastos kita, hindi rin. Kita mo ngang mahinahon akong nakikipag-usap sa ‘yo.” Muli siyang natahamik sa aking sinabi. Ito ang problema sa ate ko at karamihan sa mga tao. Kapag nilalamon na sila ng galit, nawawala ang kanilang common sense. Nawawala ang kanilang reasoning.
“Huwag mo akong ginagamitan ng gan’yan, Frostine. Nasaan na ang 500 ko?” Inilahad niya pa ang kanyang kamay sa kanyang harap. Tiningnan ko lang iyon. I looked at her intently with no emotions in my eyes.
“Wala akong maibigay kasi wala sa akin.” Talagang gusto ko nang sumabog sa galit ngunit, pinipilit ko pa ring maging mahinahon. Alam ko namang ako ang tama rito at siya ang mali.
“Frostine? Rain? Anong nangyayari rito?” Narinig ko si mama sa aking likod ngunit, nanatili akong nakatitig kay ate.
“Ma! ‘Yang si Frostine kasi, ninakaw ang 500 ko!” singhal niya at dinuro pa ako. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Tingnan natin kung sino ang mapapahiya ngayon.
“Anong ninakaw, eh, ‘di ba, nilagay mo ‘yon sa table sa baba kaninang umaga? Lutang ka ‘ata, ‘nak? Binilin mo sa akin na ibabayad sa shopee kung sakaling may dumating man pero wala, eh. Nandoon pa rin sa baba.” Napangisi ako sa narinig. Kita kong natigilan si ate sa sinabi ni mama na para bang ngayon niya lang naalala kung saan niya nilagay ang kanyang 500. ‘Yon naman pala, eh.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang daliri at iwas na iwas ang kanyang tingin sa akin. Oh, ano? Pahiya siya, ‘di ba? Sarap sanang sabihan kaso ayokong lumaki ang away namin. Kita ko pang namumula nang bahagya ang kanyang pisngi. Natahimik kaming tatlo.
“Hay, ewan ko sa inyo!” sabi ni mama at tinalikuran kami. Muli siyang bumaba habang ako naman ay nanatili sa aking posisyon at hinihintay na mag-sorry siya.
“No sorry?” I demanded an apology. Inis niya akong binalingan.
“Masaya ka na kasi ikaw ‘yong tama?” she said. Nagpakawala ako ng buntonghininga. I shrugged and cross my arms.
“’Di pa rin kasi ‘di ka marunong umako ng kasalanan, ate. Simpleng ‘sorry’ lang pero hindi mo magawa. Ang toxic mo talaga.” Napailing-iling na lang ako bago siya tinalikuran. Hindi na ako mage-expect na marinig ang kanyang ‘sorry’.
Padabog niyang sinara ang pinto ng kanyang kwarto. I rolled my eyes heavenwards before going back into my room. Nakakabadtrip.
“TAPOS ANO? Nag-sorry ba?” Tiningnan namin si Jessile na ngayon ay may bukol sa ulo. Natamaan daw kasi siya ng bola kahapon. She passed out. Kami pa ang mga tao sa classroom. Maaga kaming nagsidatingan kasi may chika raw. ‘Pag usapang chika, early bird talaga kami.
“Oo. Nag-sorry naman!” paasik na sabi niya. Nagkatinginan kaming lahat. My forehead knotted.
“Eh, ba’t ka galit?” tanong ko sa kanya. I don’t see any reason for her to get angry. Nag-sorry naman ‘yong tao, eh.
“Ano bang problema mo, bruha?” Candy asked. May lollipop na naman sa bibig nito.
“Hindi niya hiningi number ko!” Nabilaukan ako sa sariling laway dahil sa narinig habang ang iba naming kasamahan ay tawa nang tawa. Grabe naman ng imagination ng loka!
Hinila ni Heziah ang buhok ni Jessile at agad din itong binitawan. “Magising ka sa realidad, hoy. Bruhang ‘to. Ganda ka? Ganda ka?” Napanguso na lang si Jessile. Si Jannah naman ay tinapik-tapik ang dibdib. Tawang-tawa pa rin ito sa narinig.
“Iba ka talaga, Jessile! Ang pogi no’n kaya imposibleng mapansin ka,” natatawang sabi ni Jannah. Mas lalong napanguso si Jessile. She crossed her arms below her chest.
“Lakas maka-asar, ah! Sabihin mo ‘yan kay Jeremy na may bago na namang kachukchukan!” Nawala ang ngiti ni Jannah sa mga labi nito. Bigla itong napasimangot at umirap. Boy bestfriend kasi ni Jannah si Jeremy. Kapitbahay lang nila. They’ve been friends since elementary at nahuhulog si Jannah dito.
Sa aming lima, si Jannah ang medyo boyish. Curler lang talaga ang parating gamit nito at parating nakatali ang buhok. Pero alam ko na kapag naging babaeng-babae ang bruha, may mas igaganda pa ‘yan. Maganda naman kasi talaga si Jannah, eh. Mahilig ito sa music and she also composes songs.
“Eh, ano naman kung meron? Pake ko sa kanya?” sabi nito at muling umirap. We all looked at her. Para naman siyang na-intimidate. Nanlaki ang kanyang mga mata habang tiningnan kami isa-isa. “What?” tanong nito.
“Weh?” we all said in unison. She snorted.
“’Di sumasakit ang iyong heart?” tanong ni Jessile.
“Baka naman nag-wish ka na sana, ikaw ang kanyang kachukchukan?” tanong ko na ikinatawa nila. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Jannah.
“Grabe ka! Friends only!” She wiggled her brows.
“Aysus! If I know. Kaya ka sumama sa akin kahapon kasi team ni Jeremy ang naglalaro ta’s na-disappoint ka nang makitang wala siya kasi nakikipag-date pala!” Malakas kaming napatawa sa sinabi ni Jessile. Si Jannah naman ay hindi lang umimik. Naka-krus ang braso nito sa ibaba ng dibdib at salubong ang mga kilay.
“Kulang na lang i-announce sa buong school, eh!” maktol ni Jannah. Napasinghap si Jessile.
“Aba, hinahamon ako ng bruha. Gusto mo gawin ko talaga?” Inambahan naman siya ng kamao ni Jannah. Bumaling bigla si Jannah sa akin at mapang-asar na tiningnan ako.
“Akala mo ‘di namin kayo nakita. Sana all Urban Cafe.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Nag-ingay naman ang aking mga kasama. Pinukpok pa ni Jessile ang kanyang desk. Ba’t napunta sa akin ang chika?
“Oh, ano naman? Kumakain lang kami! Wala nang space kaya sa akin siya naki-share!” pagde-depensa ko sa sarili pero alam kong hindi maniniwala ‘tong mga abnormal!
“Kaya pala ‘di sumama sa atin na makipokpok sa mga basketball players dahil kay Ayden siya namomokpok,” sabi ni Heziah. They made a ‘yie’ sound. Napailing-iling na lang ako. I rolled my eyes heavenwards.
“Nah. Wala talaga. Nag-M.L lang kami gano’n. Binuhat ko siya sa first game tapos binuhat niya ako sa second,” pagku-kwento ko.
“Kasunod n’yan, bubuhatin ka na patungong kama.” Napatawa kami nang malakas sa sinabi ni Candy. Tangina! Ang wild!
“Bet mo naman, ‘no?” Jessile asked. Binigyan ako nito ng mapang-asar na tingin na ikinairap ko. Umiling-iling ako.
“Excuse me, ‘di pa lumelevel-up kapokpokan ko so hard pass.” Binatukan ako ni Candy. Napahawak ako sa aking batok at sinamaan siya ng tingin. Anong problema nito?
“Parati ka na lang hard pass! Baka bukas n’yan, etits na ni Ayden ang magiging hard.” Muli kaming napahagalpak ng tawa sa kanyang sinabi. Babastos talaga ng mga bibig nito kahit kailan! Ako lang ‘ata matino, eh. Char?
“Hala pota! Tahimik! Parating na si Ayden!” sabi ni Heziah na nakaupo lang malapit sa bintana. Biglang niragasa ng kakaibang emosyon ang aking dibdib. I froze on my seat. Tangina! Parating na siya? Ang aga naman? Ano kayang treatment namin sa isa’t isa ngayon? Same pa rin kaya kahapon?
Walang nagsalita ni isa sa amin. Nagkatinginan kami sa isa’t isa at hinintay ang pagpasok ni Ayden. ‘Di nagtagal ay bumukas ang pinto. Nahigit ko ang aking hininga at binalingan siya ng tingin. As usual, he looks so neat and clean sa suot nitong uniporme. Idagdag pa ang buhok nito na sobrang bagay sa kanya.
“Ang aga niyo, ah,” sabi nito sa amin.
“May chika, eh, kaya dapat, early bird,” Jannah said.
“Anong chika? Tungkol ba ‘yan kay Hazel?” Tumawa kami nang malakas sa kanyang sinabi. Hate rin pala nito si Hazel?
“Hindi! Basta, tungkol lang sa kapokpokan nitong si Jessile!” Heziah said. Binatukan nito si Jessile.
“Ah. Girl’s talk.” Tumango-tango naman si Ayden. Bumaling ang tingin nito sa akin. Napakapit ako sa suot na palda lalo na no’ng binigyan ako nito ng isang maliit na ngiti.
“By the way, nice game kahapon, Snow,” sabi nito bago kami tinalikuran. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig.
Did he just call me by my second name?