NAPANGITI AKO no’ng tumunog na ang device kung saan nakalagay ang aming number, hudyat na handa na ang aming pagkain at kukunin na namin ito sa counter. Tinulungan ko muna si Ayden na iligpit ang chess pieces bago kami nagtungo sa counter upang kunin ang aming pagkain.
“Salamat po,” sabay naming sabi. Luh? Kimi no toreko ni natte shibae ma kitto. Char.
Bahagya akong napatingin sa kanya ngunit, nakatuon lang ang kanyang atensyon sa aming order. He ordered baconsilog and clubhouse sandwich. Yayamanin ang gago. I got my tray and went back to our place. Inayos namin ang aming mga pagkain sa mesa. We said our graces before eating.
“Who taught you to play chess?” pagbubukas niya ng usapan. Halata pa rin sa kanyang mga mata ang pagkamangha. Ano ba naman ‘yan, kinikilig ako! Kinalma ko ang aking sarili. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sinagot ang kanyang tanong.
“Nah. Self-study lang. Bigla kasi akong nainterested no’ng grade nine kasi may board games ang P.E class kasali na ang chess. Kaya ayun, tumingin-tingin ako ng mga techniques at strategies sa Youtube hanggang sa nakuha ko na talaga,” pagku-kwento ko. Kumunot naman ang kanyang noo. Bumukas-sara ang kanyang labi na para bang may gustong itanong pero nalilito kung paano i-construct. I waited for his question.
“Pero paano ka nagpa-practice?” muling tanong nito. Mukhang interesado talaga siya sa chess journey ko. Sana naman, interested din siya sa ‘kin. Char lang. Wala pa akong plano i-level up ang kapokpokan ko.
“Marami namang players online, eh. Usually, I practice through messenger kung saan ima-match ka sa isang player.” Kinuha ko ang toasted bread ng carbonara at isinawsaw iyon sa sauce ng carbonara. I took a bite. Yummy! Ang sarap talaga ng combination! Kaya gusto ko bumili ng carbonara rito, eh.
“Oh, I see. Parang M.L,” natatawang kwento niya na ikinalaki ng mga mata ko.
“You play ML?” I asked. Tumango-tango siya habang kumakain. Binalingan niya ako ng tingin.
“Ikaw rin?” Tumango ako. I smiled widely. Nakita ko ang kanyang pagngiti. “Anong rank ka na?” he asked. Muli kong isinawsaw sa carbonara sauce ang toasted bread bago nagsalita.
“Epic three. Kaka-end season lang, eh. Epic two na sana kaso rank down dahil cancer kasama ko kagabi,” nakasimangot na sabi ko. Pa-epic one na sana ako no’n, eh! Epic two at five stars ta’s biglang lose streak. Kainis.
“Lose streak ka, ‘no?” natatawang tanong niya na ikinairap ko. Masyado bang halata sa reaksyon ko?
“Unfortunately, yes. Galing talaga mag-match ni Moonton, eh! Sobrang galing! Kung kailan pa-rank up na ako ta’s five stars, ite-team up naman ako sa mga bobong kasama na hindi marunong mag-push at mag-def!” I ranted. Tumawa nang malakas si Ayden sa sinabi ko. Jusko! Naha-high blood ako habang inaalala ‘yon. Sobrang dami na talagang cancer sa Moonton kasali na ako!
“I know, right? Moonton should base the matchmaking on the player’s last performance. Talagang nakakainis, eh. Ano pala ID number mo?” tanong nito maya’t maya. Kinuha nito ang phone. Nakita kong nagbukas siya ng notepad. Napangisi ako at naisipang lokohin siya.
“1012345,” ngiting-ngiting sabi ko. He gave me a poker face. Tumawa ako nang malakas sa kanyang reaksyon. Ang epic!
“M.L, ‘di school ID. Galing mo rin, eh, ‘no?” Ayden chuckled. Napahawak ako sa aking tiyan sa kakatawa.
“Sorry naman!” I gave him my M.L’s ID number. “Party tayo mamaya?” I asked him and took a sip of my iced tea.
“Bakit mamaya kung pwede namang ngayon? Dala mo cellphone mo, ‘di ba?” tanong nito at tiningnan ang aking cellphone na nasa tabi lang ng carbonara. Napanguso ako at sinubo muna ang aking pagkain.
“Nah. Wala akong load, eh.” Itinuon ko ang aking atensyon sa pagkain. Ewan, ‘di talaga ako naglo-load. May wifi naman kasi sa bahay. Do’n lang ako nagpapa-load kapag malapit na mae-expire sim card ko.
“Connect ka sa hotspot ko. Pagkatapos nating kumain, laro tayo,” sabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay. Baka pina-prank lang ako nito, eh!
“Sure ka? Okay lang sa ‘yo na maki-connect ako?” I asked him. Binigyan niya ako ng tingin na para bang hindi makapaniwala sa tinanong ko.
“Bakit naman hindi?” Napangiti ako nang malawak sa kanyang sinabi. I bit my lower lip and focused my attention on the carbonara. “May sauce ka,” sabi nito. Nag-angat ako ng tingin. Itinuro nito ang gilid ng kanyang labi. I cleaned the corner of my lips using my tongue. Umiling-iling ito.
He suddenly grabbed a tissue. He stretched his arms forward and wiped my mouth clean. Natuod ako sa aking kinauupuan at tiningnan lang siya na seryosong nagpupunas sa gilid ng labi ko. Kumabog ang aking dibdib at ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. What the f**k?
Ramdam kong natigilan siya na para bang ngayon niya lang napagtanto ang kanyang ginawa. His gaze met mine. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata at umiwas ng tingin sa akin. Tumikhim siya at binaba ang kanyang kamay.
“Ayan, it’s already clean. Kain na ulit tayo,” he said while not looking at me. I bit my lower lip and tried to calm my raging heart. Okay, what was that? Awkward.
Tahimik lang kami habang kumakain. Paminsan-minsan ay tinatapunan ko siya ng titig. His ears are red. Alam kong nagulat din siya sa nangyayari. Why did he do that, by the way?
Nakita kong biglang umilaw ang kanyang cellphone. Bahagya pa siyang napatalon sa gulat na para bang kakagaling niya lang sa isang malalim na pag-iisip at ang cellphone ang naging senyales niya upang muling bumalik sa realidad. What was he thinking? Was he thinking about what happened earlier? For sure, oo.
Tiningnan ko ang kanyang reaksyon habang nakatingin sa kanyang phone. Tuwang-tuwa kasi ito. My curiosity kicks in. Pilit kong iniwaglit sa aking isipan ang nangyari. I don’t want things to be awkward between us.
“Anong meron? Ang saya mo ‘ata, ah?” I asked and gave him a smile. Okay, I just have to pretend that nothing happened. Binalingan niya naman ako ng tingin. I tried to act as calm as I could. Pinapanatili ko ang ngiti sa aking labi at pilit huwag ipahalata ang aking awkwardness.
“Client,” he simply replied and turned his attention to his phone. My forehead knotted. Client?
“You work?” I asked again. Tumango naman ito sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.
“Oo. Freelance photographer,” nakangiti niyang ani. Napasinghap ako sa kanyang sinabi. May bumangon na paghanga sa aking dibdib sa narinig.
“Wow! Ang galing! May f*******: page ka ba kung saan ina-upload mo mga shots mo?” Tinapos ko na ang aking pagkain. I sip on my iced tea while waiting for his answer.
“Yes! Den’s Photography. Like mo, ha!” natatawang ani nito. The awkward atmosphere vanished. I suddenly feel at ease.
“Grabe naman! Kulang na lang sasabihin mong i-subscribe ko channel mo.” I chuckled. He shrugged and finished his food. He winked at me and wiggled his brows.
“Soon. Ligpit na natin food natin. M.L na tayo.” Niligpit namin ang aming mga pinagkainan.
“Baka naman cancer ka, ha,” tukso ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.
“Baka ikaw! Baka tulad ka rin ng mga babaeng Angela lang ang nalalaman.” Humagalpak ako ng tawa sa kanyang sinabi.
“Bwiset ka! Ta’s naka-on mic at kaduo lang ang sinasaniban!” Tumawa siya nang malakas sa narinig.
“Ew!” we said in unison. Sabay na nanlaki ang aming mga mata at natawa. Napailing-iling siya at kinuha ang kanyang cellphone.
“Grabe, mukhang magkakasundo tayo, ah, lalo na pagdating sa panta-trashtalk.” I chuckled lightly.
“Sure ‘yan,” I responded. “Ano pangalan ng hotspot mo?” I turned on my wifi. Tiningnan ko ang mga wifi na nakalagay. Tumaas ang aking kilay nang may nakitang wifi. Ito na ‘ata hotspot niya.
“Ayden Macho pa more,” I teased him. Binalingan ko siya ng tingin. He wiggled his brows. Nilagay niya ang kanyang hintuturo at hinlalaki sa kanyang baba, pinasingkit ang mga mata, at kinagat ang ibabang labi. Tangina?
Humagalpak ako ng tawa. “Feel na feel ng abnormal!” natatawang sabi ko. He suddenly flexed his arms. Napasinghap ako. Luh, grabe!
“Edi ikaw na!” Ang laki talaga ng muscles ni Ayden! Parang ang sarap makulong sa mga braso niya. Char hehe ‘di ako marupok.
“Oh, ‘di ba? Ang laki, ‘no?” He tapped his muscles. Napairap na lang ako at binuksan ang aking M.L.
“In-add na kita,” Ayden informed me. May lumabas naman na avatar sa gilid ko.
Ireden’s F followed you.
Kumunot ang aking noo sa kanyang pangalan. I followed him back. “Ireden’s F?” I asked him while my eyes are still stick to the screen.
“Yep! Cool, ‘no? Pumasok lang bigla sa isip ko.” He shrugged. Binalewala ko na lang iyon. “Ikaw nga, eh, Twinkle.Glimmer anong klaseng M.L name ‘to?” Tangina. ‘Di ko mapigilan ang ‘di mapatawa sa aking narinig.
“’Di ako nag-set up n’yan! Ewan ko ba kina Jessile. No’ng una Frostine the Snowman ‘yan, eh, pero iniba nila. Mga abnormal talaga ang bruha,” natatawang sabi ko. Sobrang babae at cringe ng Twinkle.Glimmer. Imbes na magalit, natawa na lang ako.
“Pangalan pa lang, halatang cancer na,” tukso ni Ayden. Napasinghap ako sa aking narinig at in-accept ang kanyang invitation.
“Baka ikaw ang cancer!” Pinindot niya na ang ‘rank’ and we immediately entered the lobby. “Sino iba-ban ko?” tanong ko nang makitang ako ang unang magba-ban.
“Ban mo Layla. Baka ‘yan gamitin mo, eh.” Tumaas ang aking kilay sa narinig. Tiningnan ko kung ano ang main hero niya. Oh, Helcurt. I decided to ban Helcurt. I heard him gasp.
“Tangina?” Natawa ako sa narinig. I looked at him. Nakatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala.
“Ayan! Tuksuin mo pa ako! Baka ako pa bubuhat sa ‘yo,” I said confidently and flipped my hair. He scratched the back of his head.
“Si Ling na nga lang,” mahinang bulong nito. Matapos mag-ban, pumili na kami ng mga hero. I decided to pick Lunox. S1 si Ayden and S2 switched me.
“Char. Lunox user naman pala, eh. Tingnan natin.” Hindi ko na lang siya pinansin. Baka siya pa ang iiyak! Nang matapos mag-load, agad akong pumunta sa mid lane at pumunta naman si Ayden sa buff. Nakita kong may dalawang player na naka-on mic. Kumunot ang aking noo. I turned on my speaker to hear what they’re saying.
“Babe, samahan mo ako here. I’m scared.”
“What the f**k?” malutong akong napamura sa narinig. Kita ko ang pagngiwi ni Ayden nang marinig ang sinasabi ng ka-team namin.
“Tangina, ihanda mo na sarili mo sa rank down, Frostine. Babagsak tayo,” nakangiwing sabi nito. Natigilan ako sa narinig. Ngayon ko lang ‘ata narinig na binanggit niya ang pangalan ko. I don’t know but it gives me a weird feeling. Parang kinikiliti ang tiyan ko na ewan.
Hindi ko na lang pinansin ang aking naramdaman at itinuon ang atensyon ko sa paglalaro.
“OMG! I’m dying!”
“Ingay ng boang,” mariing bulong ni Ayden na halatang nangingigil din. Ipit na ipit kasi ang boses nito at Layla user! Sobrang pabebe, talagang nakakagigil!
“Patay ka, ghorl.” I smirked when Layla died. Siya ang unang namatay. Napailing na lang ako. Buti pa ako rito sa mid lane, tamang farm lang at iniiwasan na makafarm si Cecelion kaya nama’y nasa level two pa siya at ako naman, level three na. Malapit na akong mag-level four.
Ingay mo layla ang oa ng pota amppp palaban sa jowa
Natawa ako sa ichinat ni Ayden. “Simulan mo na ang panta-trashtalk. Aatakehin ka ng mag-jowa,” I said. Ayden laughed.
Inggit ka lang kasi wala kang jowa
“Trashtalk kung trashtalk,” he responded. Nakita kong nagtitipa siya.
Bat naman ako maiinggit e bobo yang jowa mo
I laughed loudly. Sinang-ayunan ko siya.
True ang bobo ng layla hahahaha
Nasa-level four na ang Lunox ko kaya binuksan ko na ang aking ulti. Biglang lumabas si Cecelion mula sa tore and I aggressively attacked him. I used my second skill to slow him down and killed him using the chaos ultimate. Nag-tower dive pa ako.
“Woah, aggressive,” bulong ni Ayden. I smirked.
“Ano? Cancer ba?” I recalled upang makabalik sa base. Gano’n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang mag-chat si Ayden.
Go baby lunox! Labyu!
Tiningnan ko siya na tawang-tawa sa kanyang chinat at halatang inaasar lang ang kalaban. Napasimangot ako. Ang landi!