R

2190 Words
I LOOKED inside my wallet. May laman na 200 pesos doon. Talagang nagdala ako ng pera dahil gusto kong kumain sa Urban Coffeemakers. Cafe ito na malapit lang sa school namin. Sobrang dami talaga ng pwedeng puntahan na malapit lang sa SACS. Walking distance pa! May milktea station na malapit sa school namin, may Burger Junction, Minute Burger, Unli Wings, Sea Wall, name it all! Kaya nga laking pasalamat ko na napadpad ako sa SACS. What’s more, malapit lang din ang plaza rito sa school na tinatawag na Plaza Rizal.                Sa dinami-daming nagdaang mayor sa Lapu-Lapu City, tanging si Mayor Ahong lang talaga ang nakapagpaganda sa plaza. Solid! Nakikipag-interact din siya sa aming mga Oponganon at minsa’y namamasyal siya sa Public Market na walking distance lang din sa school namin. Best mayor.        “Uwi ka na Frostine?” tanong ni Heziah sa akin. Nasa labas na kami ng gate ng simbahan at nasa tapat na kami ng plaza. Isang area lang kasi ang simbahan at school namin. Tinanguan ko lang sila kahit ang totoo, may pupuntahan pa ako. I just want to be with myself for now.         “Yes! Kayo? Gagala kayo, ‘no?” tanong ko sa kanya. Heziah shrugged. Tumabi sa kanya si Candy na may kinakain na lollipop.        “Walang pera, eh,” sabi ni Candy. “Sina Jessile at Jannah umuwi na,” pagpapatuloy nito at kinagat ang lollipop. Napangiwi si Candy at tinanggal ang lollipop sa bibig nito. Stick na lang ang natira.                        Napairap ako sa sinabi ni Candy. I crossed my arms and raised my eyebrows. “Nah. Alam ko kung nasaan ‘yang mga ‘yan. Paniguradong nasa auditorium at nanonood ng basketball. Namo-mokpok na naman,” sabi ko. I flipped my hair. Heziah and Candy laughed.                “Alam talaga mga galawan, ah,” sabi ni Heziah. I just shrugged.                 “Halata naman. Parang ‘di niyo kilala ang mga ‘yan. Mula grade 11 gan’yan na sila.” May mga pagkakataon pa nga na iniimbitahan nila kami, eh, pero ayaw ko. Men don’t just interest me. Hindi naman sa hate ko sila or what. Ayaw ko lang talaga. . . for now. Aaminin kong p****k ako pero wala pa ako sa mega p****k stage. Yes, may level ang kapokpokan.             “Doon na lang kaya tayo? Feel ko magiging p****k ngayon,” sabi ni Candy. Nilabas nito ang liptint at kinulayan ang kanyang labi. Pinatunog pa nito ang labi at nag-pout na ikinangiwi ko. Ew. Ang pangit ng bruha.                  “Kayo na lang. Hard pass,” tanggi ko. They frowned upon hearing my answer.      “Ito talagang si Frostine, oh. Kaya wala ka pang boyfriend, eh, kasi hindi mo pinapa-level up kapokpokan mo,” sabi ni Heziah. Sumang-ayon naman si Candy at pinaglalaruan ang stick ng lollipop sa bibig nito. I flipped my hair.                “At least, maraming manliligaw.” Ang ganda ko kaya? Duh? Isa pa, hindi naman ako atat magka-boyfriend. Sa mga kaedad ko kasi, alam kong marami sa kanila na mababaw ang tingin sa love. Alam kong marami sa kanila na pumapasok sa relasyon kasi for fun lang ang purpose at nag-commit sila hindi dahil sa love kundi dahil sa attraction. Oh, ‘di ba, parang ewan lang.           “Edi ikaw na!” Heziah said. Umirap pa ito. Napasimangot naman si Candy.           “Sana all na lang talaga. Sige na nga! Bye! Popokpok pa kami!” paalam ni Candy. Tumango lang ako at tumalikod naman silang dalawa. We parted ways. They went right, ang daan patungong auditorium while I went left upang pumunta sa Urban Coffeemakers. Sa dinami-daming lugar dito, minsan, malilito na lang ako kung saan ako pupunta. Everywhere I turn, may mga establishments. May mga pagkainan.                Nang makarating na ako sa Urban, agad akong pumasok. It’s a cozy cafe na may pitong 2-storey na table set. Ewan kung anong tawag n’yan. Basta, ‘yong makikita mostly sa mga cafe kung saan pwede kang tumambay. May mga unan and such. The atmosphere is also relaxing and the foods are really great for a cheap price.        “Isang tunasilog po at isang carbonara then iced tea solo na rin po,” sabi ko sa babae. Nilista niya naman ang aking order.               “Repeat ko po order mo, ma’am, ha. Isang carbonara at isang tunasilog then iced tea solo?” I nodded. Tinanguan niya naman ako at ibinigay sa akin ang number.      “Thank you.” Tinanggap ko ang number at naghanap ng mauupuan. I decided to sit near the counter. Umupo ako sa first floor ng table set. Nilapag ko ang aking bag at kinuha ang aking cellphone. Bad b***h na ba ako nito? Bawal ang cellphone pero matigas ang ulo naming estudyante, eh. Isa pa, nagdadala lang ako ng cellphone kapag half day.                 I started to read an ebook  by Carl Jung entitled ‘Psychological Types’. Ayon sa librong ito, may apat na function ang ating consciousness. These are sensation, intuition, thinking and feeling and these functions are modified by two main attitude types which are extraversion and introversion. It’s a great book, actually. Dahil sa extroverted at introverted vision, maiintindihan ng mga tao kung bakit may conflicts between opinions and philosophies. It makes me want to understand people more. Kapag graduate na ako sa senior high, I’m gonna take BS Psychology.        “Hey, Frostine.” Nag-angat ako ng tingin nang may nagsalita. Mahina akong napasinghap nang makita si Ayden sa aking harap. s**t? Natuod ako sa aking kinauupuan lalo na no’ng binigyan niya ako ng isang ngiti. Bakit siya nandito?          Humigpit ang aking hawak sa cellphone. Kalma, Frostine. Dapat ka nang masanay sa presensya niya. “Pa-share ng table, ha? Wala na kasing space, eh,” sabi nito. Napatingin ako sa paligid. Okupado na nga lahat. Tumango lang ako sa kanya at binigyan siya ng ngiti. I’m trying to appear calm kahit sumisigaw na ang kalooban ko.        Bumaba ang kanyang tingin sa cellphone na hawak ko. Nanigas ako sa aking kinauupuan. Uhm, ‘di naman siguro siya stick to rules, ‘di ba? Hehe. ‘Di niya naman siguro ako isusumbong. Kung isusumbong niya ako, pangit siya ka-bonding.               “May cellphone ka rin palang dala? Same!” sabi nito at nilabas ang cellphone. Nakahinga ako nang maluwag at napatawa sa aking isip. Sabi na, eh! My senses relaxed. Casual lang siyang nakipag-usap sa akin na para bang walang nangyaring kahihiyan sa aming dalawa kanina. Parang ako lang talaga ang apektadong-apektado. Nakakahiya.         I tried to put up a conversation to ease the awkwardness I’m feeling. “Ginagawa mo rin ba iyan noon?” I asked. Nginuso ko ang kanyang cellphone. Napatawa naman siya sa aking sinabi.      “Yep! Kaso, wala pa akong cellphone no’n kaya PS4 muna,” pagku-kwento nito. “Kapag inspection naman, tinatago ko lang sa brief ko.” Humagalpak ako ng tawa sa kanyang sinabi. May monthly inspection kasi ang SACS kaso minsan, ‘di nagsasabi kung anong date isasagawa ang inspection kaya kung saan-saan namin itatago.                 Gumaan bigla ang aking loob. Ayden can make someone feel comfortable around him in an instant. Kaya siguro ang dami niyang kaibigan.                        “Gago! Ang dugyot!” Natawa naman siya sa sinabi ko. “Seryoso talaga?” I asked. Baka kasi binibiro lang ako nito, eh!         Natatawa naman siyang tumango. “For real. As in legit. Pero binabalot ko naman ng towel bago ko ipasok grabe siya! Baka ikaw ‘di nagbabalot.” Napasinghap ako sa kanyang sinabi at natawa.           “Hoy, ‘di kaya! Kasya lang ‘yong cellphone ko sa wallet ko.” I got my wallet and put my phone inside. “See?” Nakita kong natigilan siya at napatitig sa picture namin ni Fire. Napatingin naman ako roon. Binigyan ko siya ng ngiti. “Childhood friend ko,” I informed him. Ngumiti naman siya.      “Ang cute niyo. Kinikilig ka n’yan, ‘no?” tukso nito. Inirapan ko siya. “Halata naman kaya ‘wag mo nang i-deny,” natatawang sabi nito na ikinanguso ko.             “Eh, ano naman? Crush ko ‘yan noon, eh!” Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi na para bang hindi makapaniwala.        “Talaga? Pa’no naman ngayon? Crush mo pa rin?” Napasimangot ako sa kanyang tinanong. Syempre, hindi na! Dahil siya na crush ko ngayon. Hehe char lang.      Umiling ako sa kanya. “Hindi na! Matagal na akong naka-move on d’yan,” pagku-kwento ko. Tumango-tango naman siya at napatingin sa shelf kung saan may mga board games at libro. Tumayo siya at nagtungo roon. Pagbalik niya ay may bitbit siyang chess board. Oh, he also plays chess?           Nilagay niya ang chess sa mesa. “I’ve heard you’re good at playing chess,” sabi nito. I scratched the back of my head. Anong good? Nagkasalubong ang aking mga kilay.           “Sino naman nagsabi sa ‘yo n’yan?” tanong ko. He shrugged.         “Narinig ko sa mga kaklase natin.” Napairap ako sa kanyang sinabi. Hindi naman ako gano’n kagaling talaga.      “Naniwala ka naman. Scammer ‘yong mga ‘yon,” sabi ko na lang at tinulungan siyang iayos ang chess pieces sa board. “Baka ikaw ‘yong magaling,” I stated. Napangisi siya at umiling.                 “I only know the moves but not the strategies.” Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi. Sumipa ang aking dibdib. Ipinilig ko ang aking ulo. “White or black?” He wiggled his brows. Nilabanan ko ang kanyang titig at ngumisi.                “You choose.” Nag-iwas siya ng tingin. Umayos siya ng upo at tumikhim. He chose white. Okay, then. Siya ang first move.                 Tahimik lang kami habang naglalaro. He moved his pawn, e2, to e4. Napangisi ako habang iniisip kung anong gambit ang maaring gawin. The Blackburne Shilling Gambit so I moved e7 to e5. Nagkatapat ang aming mga pawn. Sana nga’y umayon sa plano ko ang gagawin niyang move.      Tiningnan ko siya at para siyang nag-iisip kung ano ang magandang gawin. He suddenly moved his knight, g1, to f3. Nagsusumigaw ang aking kalooban sa kanyang ginawa. I tried to mirror his move. I moved my knight, b8, to c6 at mabilis niya namang ginalaw ang kanyang bishop patungong c4.               Oh, I know what he’s trying to do. Kapag hindi ko ‘to agad na-aksyonan, ililipat niya ang kanyang pawn, c2, patungong c3 upang mailabas ang queen, d1, at ilipat ito sa b3. Pagkakatapos ay kakainin niya ang pawn ko na nasa f7 gamit ang kanyang bishop. My king cannot eat the bishop kasi may nag-aantay na queen. In short, matatalo ako. But I won’t let him do that.           Nilipat ko ang aking knight, c6, patungong d4 para hindi siya mag-iisip na i-forward ang kanyang pawn at para mapigilan siyang ilabas ang queen. Kapag ifo-forward niya ang kanyang pawn, posibleng makain ko ang knight niya at kung kakainin niya ang knight ko, naghihintay ang black pawn ko upang kainin ang kanyang knight. Kapag kakainin niya ang pawn ko, walang kakain sa kanyang knight. His knight is safe if he takes my pawn. Wala siyang magagawa.               Alam kong ang solusyon na tanging nakikita niya ay kainin ang pawn ko o ‘di kaya’y ibalik ang knight niya sa original posisyon. Pero gan’yan naman talaga ang ibang tao, eh. Do’n sila pupunta sa daan na talagang makaka-score sila.           Tiningnan ko siya na nakatitig nang mataman sa mga chess pieces. Kinain niya ang pawn ko na ikinangisi ko. It went according to my plan. I moved my queen, d8, to g5. May balak akong kainin ang kanyang pawn na nasa g2. Alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Maaaring kakainin niya ang pawn ko na nasa f7 gamit ang kanyang knight upang targetin ang aking rook pero uunahan ko siya.         Tama nga ang nasa isip ko. Kinain niya ang pawn ko na nasa f7 and because of that, I took his pawn using my queen. Nasa g2 na ang aking queen. Wala siyang magawa kundi ang itabi sa kanyang king ang rook.                  “Hell, she’s good,” mahinang bulong nito na rinig ko. Gumalaw-galaw ang hita ni Ayden at minsa’y kinukuyom ang kamao at bubuksan din ito. He’s tensed. So, I made him feel like that? I smirked before eating his pawn placed on e4.                 “Checkmate,” I muttered and looked at him intently. Nanlaki ang kanyang mga mata na nag-angat ng tingin sa akin. Open kasi ang kanyang king na nasa e1 at walang nagpo-protekta na pawn.       “The f**k?” He chuckled before moving his bishop in front of the king. Oh, his king is trapped now.      I moved my knight, d4, to f3, trapping his king. Napangisi ako. Itinukod ko ang aking mga siko sa mesa at pinatong ang aking baba sa aking mga palad.                            “Stalemate.” Wala na siyang possible moves. Talagang trapped na ang king niya. Umiling-iling siya habang natatawa. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap. We shook hands.           “Our classmates are right. You’re really great,” he said with a hint of adoration in his eyes. Biglang kumabog ang aking dibdib sa nakikitang emosyon sa kanyang mga mata at parang kiniliti ang aking puso.                Ayden just praised me.           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD