PUTANGINA? HINDI ko alam kung dapat ba akong maniwala. Hindi ako umimik at nakatitig lang sa picture na hawak niya.Wala akong ipinapakitang emosyon. Siya si Fire? Kaya ba nakatitig siya sa akin noon sa Jollibee kasi kilala niya ako? Bakit. . . bakit parang may mali? Nang makitang parang wala akong pakialam, unti-unti niyang ibinaba ang hawak na pic. Seeing him hold the picture doesn’t seem right. Muli niya iyong ibinalik sa kanyang bulsa. Doon na ako napatingin sa kanya. Kagaya ng akin, wala ring nakaukit na mga emosyon sa kanyang mga mata pero may maliit na ngisi sa kanyang labi. “I know you’re too shocked to process all these things, Frostine. Once you already absorbed everything, punta tayo sa Urban. I’ll wait for you there after classes,” iyon lang ang kan