“MASAKIT?” INIRAPAN ko si Ayden dahil sa kanyang tanong. Pagkagising ko, nandito na ako sa sofa ng bahay namin at nilalagyan niya ng cold compress ang parte kung saan ako tinamaan. Ang mga kaibigan ko naman ay sila na ang nagpa-sign ng form ko sa coach namin. “Tinanong mo pa,” sabi ko sa kanya. Suot niya na ang isang puting t-shirt at pajama ngayon. Napangiwi ako no’ng diniinan niya ang cold compress. Tinampal ko ang kanyang kamay. Tawa naman siya nang tawa. “Bwiset ka. Mukhang may plano kang mas palalain ang bukol ko, ah!” I muttered. Nakahiga ako ngayon habang siya ay nasa tabi ko at nakaupo sa low chair. “Ako na nga!” Kukunin ko na sana ang cold compress mula sa kanyang kamay no’ng dumaloy ang sakit sa aking braso na ikinangiwi ko. Putangina! Malakas ba ang pagk