Thirty-Eight Kinabukasan lang laman na ng news si Gwen. Malawak ang ngisi ko habang pinapanood ko ang balita tungkol dito. Tiyak na lalaki pa ang issue pero kung mapagtakpan pa rin ng pera ni Papa madami pa akong paraan na alam , maghintay lang s'ya. "Mama!" humahangos na lumapit si Merea sa akin. Nakangiting binuhat ko ito. "Yes, baby?" "Nandito si Tito Kulot! Mama may sasabihin daw s'ya sa 'yo! Kausap n'ya si Papa! Baka mag-iinuman na naman!" Natawa ako sa expression ng mukha nito. Parang ako lang eh. Kahit 'di ko s'ya kadugo kapag na sanay talaga sa kalsada hindi maiiwasang ma-adapt mo ang mga bagay-bagay at ganoon ang nangyari sa amin ni Merea. Buhat-buhat ko s'ya nang bumaba kami patungo sa kung nasaan ang mga kupal. Sumenyas si Gelo na ibigay muna sa Yaya si Merea na ayaw pa s