Thirty-Two "You're here!" sabi ko kay Papa nang makita ko ito sa sala ng bahay namin pagbaba ko. Tinawag kasi ako ng kasambahay na may gusto raw kumausap sa akin. Now I understand him. Noong ipaliwanag ni Angelo ang sitwasyon ni Papa. Ngumiti ito at agad na tumayo. "Anak!" "Excuse me?" "Oh s--orry, hindi pa ba bumabalik ang alaala mo? It's okay, pwede ba kitang makausap?" Umupo ako sa single couch. Katapat ng upuan nito. "Nakausap ko si Angelo at nalaman ko ang ginawa ni Gwen! I'm sorry, hija!" "Don't worry I'm trying to understand Gwen---she's sick, right? Pero 'pag hindi n'yo rendahan ang babaeng 'yon baka masapak ko 'yon!" nahihiyang yumuko ito. "I'm sorry!" hindi ako sanay na humihingi ito nang tawad. Nakasanayan ko na ang ugali ni Papa na masyadong mapagmataas kaya naman