THIRTY-THREE "Yehey!" masayang hiyaw ko nang matapos ang nakakatuwang sayaw ng mga bata na inihanda nila, sayang wala si Hearty. Tiyak na matutuwa ito sa effort ng mga ito. Todo palakpak pa ako. Si Angelo umalis saglit dahil kailangan daw sa office pero babalik din agad. Pagkatapos magsayaw ng mga ito namahagi kami ulit ng pagkain sa kanila habang nagple-play ang isang pambatang palabas sa screen na sinet-up ng mga staff ni Angelo. Tumabi ako sa batang si Merea. Limang taong gulang na ito at at ayon sa kwento nito wala na itong magulang at tiyahin na lang ang meron ito. Kanina pa ako tawa nang tawa dahil sa kadaldalan nito. Kahit pa hindi maayos ang sitwasyon nito sa buhay ay may may positibong mindset sa buhay habang ako noong ganitong edad umiiyak dahil miss na miss ang magulang. "Ang