Forty-three "Sa araw na ito---malalaman ng lahat ang tunay na ugali ni Gwen!" sabi ko kay Gelo na tumango-tango at sinubuan ako ng mansanas. Magkatabi kami sa couch habang naka bukas ang tv at pinapanood ang live telecast ng isang sikat na brand na si Gwen ang main model. Huling contract nito iyon at hindi na pwedeng iatras dahil sa mahigpit na contract ng company sa dalaga. "It's bedtime, George, panoorin mo na lang ang replay!" "No way! Pinaghirapan natin 'to, 'no. Dapat damang-dama ko!" na iiling na lang ang lalaki. Excited na excited ako bago pa magsimula ang telecast ay naka pwesto na ako rito sa couch at lahat nang kailangan ko ay iniutos ko na lang dito. Everything is recorded. Simula nang lumapit si Gelo kay Gwen, hanggang sa confession ni Gwen rito. Nakahanda na rin ang kapu