Forty-Two "Hindi tayo pwede kung hindi stable ang isipan mo, Gwen! Gusto ko ng babaeng nasa matinong pag-iisip pa at hindi 'yong baliw na kailangan ko pang-alagaan!" sabi ni Angelo habang magkatabi sila sa sofa sa opisina niya. Bumuntonghininga si Gwen saka nagsalita. "Hindi naman ako baliw, wala akong sakit! Kahit pa magpa-check up pa ako para mapatunayan ko sa'yo na wala talaga akong sakit! Please, sinabi ko na sa'yo 'yan! Paulit-ulit na! Pwede paring maging tayo, hiwalayan mo na si George. Ako na lang ulit!" "Kung nasa matino kang pag-iisip, bakit mo pinasunog ang squatters area? Why, Gwen?" "Kasi nagseselos ako! Ako dapat 'yong a-sawa mo ngayong! Hindi 'yong anak sa labas ni Papa!" sabi nito saka marahas na bumuntonghininga. "Dahil lang sa pagseselos mo na gawa mo 'yon? Alam mo