Forty Ayokong magpa-check up na kasama si Gelo. Isang dakilang OA kasi ito. Pati pagpunta sa mga charity events ng foundation nito ay 'di ako pinapayagang sumama. Alam ko namang nag-iingat lang ito pero nasobrahan na sa OA ang kupal. "Mama, sabi ni Papa upo ka lang dito!" worried na sabi ni Mesea at mabilis na umalalay sa akin. "Nak, ayos lang ang mama! Masyado lang OA 'yang papa n'yo!" "Kung may kailangan ka po sabihin mo na lang sa amin!" "Oo na po!" natatawang sabi ko rito. Muli akong naupo sa couch at naiiling na pinagmasdan si Mesea na abala na sa cellphone nito. Si Landon ang nagbigay rito ng cellphone nito at iPad. Kayang-kaya naming ibigay ang mga iyon sa magkapatid pero nakiusap si Landon na sa simpleng paraan magampanan nito ang pagiging kuya sa magkapatid. "Mama, sabi ni