Chapter 10 Napagdesisyunan naming maglakad muna sa kastilyo habang nag-uusap. May mga kasambahay at mayordomo na rin ang mga naglalakad sa loob ng kastilyo at may mga hawak silang kagamitan. Mukhang sila ang mga pinili ni Marshall na magtrabaho dito sa loob, may mga iba ring mga nakasuot ng pilak na kutamaya kung saan may ruwisenyor na tsapang nakapinta sa tapat ng kanilang puso. They must be the knights. I see what Marshall did here—he not only rebuilt the island to become my empire, but he has also taken care of those who will work for us. He exceeded my expectation. They all bowed and curtsied as we walked pass them. Mahaba ang mga pasilyo at may mga nagsisilakihang mga haligi na may mga linyang disenyo. Nang marating namin ang dulo ni Genesis kung saan ang malawak na beranda ay agad

