Chapter 11

1230 Words
Chapter 11 ❂• 3rd POV •❂ Isa-isang pumasok ang mga matatanda at iba pang miyembro ng pinakamataas na konseho sa kaharian ng Nephyria sa silid ng trono ng Kingdom Palace. Huling dumating si Pope-King Mateo Xavier III at halata ang masamang panagano na nakapinta sa kaniyang kulubot na mukha. Isang matingkad na pulang sutana ang kaniyang suot na may mga disenyo gaya ng pagbuburda ng krusipiho at ang simbolo ng araw. Tumayo agad ang lahat ng miyembro ng Grand Council upang magpakita ng respeto sa matandang hari at papo nang mapansin nila ang kaniyang pagdating. Lahat ng mata ay sinundan siya habang siya ay mabagal na naglakad papunta sa mataas na tronong upuan. “Ang mahal na hari, ang pinakamapangyarihang pinuno sa kahariang ito, ang pangulo ng Church, at ang tagapagsalita ng Diyos, si Pope-King Mateo Xavier III, ay dumating na, isa-isang sabihin ang inyong mga pangalan at titulo.” Panimula ng tagapagsalita ni Pope Mateo habang siya ay nakaupo lamang sa trono at malalim na nag-iisip. “Doctor Helen Le Penelope, Ministry of Health.” “General Marcos Maurellio, Ministry of Military.” “Scholar Jung Ko Lee, Ministry of Education.” Matapos ang ilang sandali ay pumasok sa silid ang sampung Court Mages na dating nagsilbi sa yumaong hari, si Haring Zenovia Exellencia Nightingale. Ang kontrata ng mga Court Mages ay nasa trono, kung kaya’t kung sino ang uupo sa trono ay sila ang kanilang pagsisilbihan. Hindi nila maaaring hindi sundin ang kontrata dahil ang lumabag dito ay kamatayan agad ang parusa at maihahatol. There is a magic embedded unto their hearts that will activate and cause their death if they try to run away or not serve the best interest of the one sitting on the Grand Throne. Para silang mga alipin, ngunit kapalit naman nito ay malaking halaga ng pera at karangyaan. “I, Reevus Nazarick, the Overseer of the Court Mages, is in Your Majesty’s presence.” Pagpapakilala ng pangulo ng mga Court Mages. Yumuko siya bilang pagpapakita ng respeto sa hari at sumunod naman ang siyam niyang mga kasama. Ngumiti si Pope Mateo sa kanila at muling tiningnan ang kaniyang konseho, “asan si Alexandro Belmonto, ang ministro ng ekonomiya?” Kumunot ang noo ni Pope Mateo matapos ang ilang sandali. “Your Majesty, I am Lord Belmonto’s representative, Raven Belmonto, his son, I stand here in his absence. He also offers his high regards and apologies. My father is currently on his way to Espania City to deal with the Grand Slave Trade tomorrow.” Aniya. “Ah, Raven,” ngumiti si Pope Mateo, “magandang andito ka, kailangan din namin ng opinyon ng kasalukuyang henerasyon lalo’t kaming lahat dito ay pinaglipasan na ng panahon. Ikaw din ang papalit sa puwesto ng iyong ama rito kaya magandang simula ito.” “You flatter me, Your Majesty. But thank you.” Ngumiti si Raven. Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan. Hinintay ng lahat kung ano ba ang sasabihin ng hari, ngunit may ideya na ang lahat dahil sa kumakalat na balita sa kaharian. “Sa mga oras na ito, alam ninyo na siguro kung bakit ko kayo tinawagang lahat.” Pagsisimula ni Pope Mateo, “may kumakalat na balitang buhay talaga si Zendaya Zandeyi Nightingale, at hindi totoo ang bangkay na sinunog natin sa Central Plaza ng Royal Capital. Nais kong malaman kung kanino galing ang balita.” “Isang espiya ko na nagmamasid kay Marshall Leones.” Tumingin ang lahat kay Scholar Jung nang magsalita ito. “It seems like Zendaya has outsmarted and fooled everyone of us. She created a fake body of hers along with Enzo, her knight, and another accomplice, Shinigami, and had Marshall Leones give it to the Hunters Guild. She pretended to be dead while preparing for her counterattack. Ginamit ni Marshall Leones din ang 650,000 diamond coins upang ipatayo ang imperyo ni Zendaya Zandeyi, sa Nightingale Island. May nagsabi rin na may tulay na nagkokonekta na sa Nightingale Island at sa baybayin ng hilaga ng kaharian. Kakasabi lang ng isang espiya ko na nakita nilang ginamit ni Zendaya kanina ang kaniyang kapangyarihan upang lumikha ng tulay.” Bumilis ang paghinga ng hari, at halata ang galit na nabahid sa kaniyang mukha pagkatapos marinig ang balita mula kay Scholar Jung.   Chapter 74 ❂• 3rd POV •❂   “Naisahan tayo ng demonyo, ngunit huwag kayong mag-alala, mahal tayo ng Mahal na Panginoon at hindi niya tayo pababayaan mula sa sumpa ni Zendaya Zandeyi.” Hinawakan ni Pope Mateo ang krus na palawit na nakasakbit sa kaniyang leeg at hinalikan ito. “Hindi tayo magpapatalo sa kasamaan.” “Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mong magsinungaling sa taong-bayan,” napatingin ang lahat kay Doctor Helen nang magsalita ito dahil hindi na ito nakapagtimpi pa, “hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit sinabi mong si Zendaya ang pumatay sa dating hari, si King Zenovia. Ikaw ang nag-utos sa iyong mga holy knights na saksakin ang dating hari, ngunit pinagmukha mong kasalanan ni Zendaya ang lahat.” Tiningnan siya nang mariin ni Scholar Jung, na tila sinasabing itikom ang bibig, ngunit hindi nagpatinag si Doctor Helen. Kumunot naman ang noo ni Pope Mateo, “are you questioning the goodness in me, Helen? I am the head of the Church, and the king of this kingdom. I am now your king. My word is the law and you have to obey. When I say it is Zendaya’s fault, it is her fault. My words are like God’s words. At isa pa, binigyan ako ng Diyos ng kapangyarihan upang maghatol ng kasalanan ng ibang tao. The late king, glory to his name, has decided to defend and hide the fact that he has a daughter who wielded a cursed magic and according to the Sacred Scriptures, whoever defends a wielder of cursed magic must be executed too.” Umalingawngaw ang matigas na boses ng hari sa malawak na kuwadra. “Matagal na akong nanahimik, ngunit kailangan ko nang magsalita.” Kumuyom ang kamao ni Doctor Helen, “hindi ko gusto ang iyong pamamalakad! Mas lalong naghihirap ang mga mahihirap! Pinupuwersa mo ang lahat ng nasa kaharian na sumali sa iyong Church, at ang mga tumutol ay iyong kinukulong o pinapatay. Hindi ito ang kagustuhan o utos ng Diyos. Mabuti ang Diyos, ngunit ang iyong kagagawan ay walang bahid ng kabutihan. Ginagamit mo lang ang pangalan ng Diyos para sa iyong sariling intensyon.” Halata ang gulat sa mukha ng ibang konseho dahil sa sinabi ni Doctor Helen, si Scholar Jung naman ay bumuntonghininga at umiling-iling. Hindi nito inaasahan na sasabog na si Doctor Helen. Bago pa man makapagsalita si Pope Mateo na halata nang nandidilim ang paningin ay agad na humarap si Scholar Jung at yumuko, “nais kong humingi ng tawad para kay Doctor Helen, mahal na hari. She did not mean what she said.” “I—” Akmang tututol si Doctor Helen nang pigilan siya ni Scholar Jung. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Doctor Helen nang mahigpit at hinila upang bumulong. “Kung gusto mong mabuhay, huwag ka na lang magsalita.” Seryosong paalala ni Scholar Jung. “Mainit ang ulo ng hari ngayon, at dadagdagan mo pa. Do you have any death wish? Or have you gone suicidal? We serve the throne, and he is seated there, that means we serve him. Wala tayong magagawa.” Tumawa naman si General Marcos dahil sa inasta ng nag-iisang babae sa kanilang mataas na konseho, “palaban ka ngayon, Doctor Helen!” Tumikhim ito matapos ang sandali nang makita ang galit na nag-aalab sa mga mata ng hari, at nagsalita rin. “Humihingi rin ako ng paumanhin dahil sa inasta ni Doctor Helen, Pope-King Mateo.” Yumuko ito pagkatapos. “Sa susunod na maulit ito, hindi na kita mapapatawad pang muli, Helen.” Giit ng hari. “Magpasalamat ka at maawain ako.” ༶•┈┈┈❂┈┈┈•༶  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD