Ang Paraiso ni Irano Season2 AiTenshi Aug 3, 2019 Part 40: Mahalagang Pag lalakbay 1 “Matagumpay ang bagong suit, ang lahat ay nandito sa loob ng Kristal sa iyong gwantes. Sa iyong pag lalakbay sa ilalim ng karagatan ay maaari mong buksan ang portal gamit ang iyong buntot dahil ito ay gawa sa batong cedan. Tatlong uri ng portal ang iyong makikita, isang kulay pula, berde at itim. Ang pulang portal ay patungo sa nakalipas. Ang berdeng portal naman ay patungo sa hinaharap at ang itim na portal naman ay patungo sa iba’t ibang lugar o demensyon. Sa loob ng portal nito ay iikot ang bawat eksaktong petsa o araw na iyong nais puntahan, magiging madali lamang ang lahat. Paalala lamang na hindi mapanganib ang pag gamit ng portal, may ibang demensyon lamang na mabilis at mabagal ang daloy