Ang Paraiso ni Irano Seaon 2 AiTenshi Aug 5, 2019 "Saan ka pupunta?" tanong ni Mirai "Sa 2017! Sisilipin ko lang ang itsura ng mundo!" ang naka ngiti kong wika. "Hindi kana talaga mapipigil? Huwag mong gawing laruan ang iyong kalasag. Para kang bata." sermon niya. Natawa lang ako at nagawa ko pang mag tambling sa tubig bago pumasok sa portal. "Masaya lang ako Mirai.. Masayang masaya!" ang tugon ko. Dito ay nag liwanag aking katawan at bumulusok ito patungo sa loob ng lagusan. Part 41: Mahalagang Pag lalakbay 2 Pag lusot ko sa portal ay bumulaga na sa akin ang siyudad sa taong 2017. Matao na rito, mainit at mas maingay ang mga sasakyan kumpara sa taong 1996 at 1954. Sa taong ito, ang lahat ng tao ay may hawak na kung anong nakakatuwang bagay na malapad at pinipindot pindot nila