Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 5, 2019 Pareho kaming namangha ng kanyang anak. At tanging matamis na ngiti lang ang aking naisukli sa kanya. “Kung ganoon papa, siya ang madalas mong ikinukwento sa akin?” ang tanong ni Gun. “Oo hijo, siya si Irvin ngunit mas kilala bilang si Irano. Ang pinaka unang bayani ng planetang ito bago pa dumating ang mag super hero na inipon mo. Sa makatuwid, nasa harap mo ang orginal, ang pinaka makapangyarihan at ang pinaka magilis na anghel sa kasaysayan.” ang pag mamalaki ni Mr. Duran sa kanyang anak. Part 42: Ang Simula ng Misyon REPORTER: Isang naka mamanghang pang yayari mga kaibigan ang naganap kanina sa Wonderfulboy Bank, ang bangko ng mga poging bakla. Kitang kita sa camera na habang nag titilian ang mga bortang takot na takot sa loo