APNI Part 10: Misyon

2041 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 6, 2019   Lumapit sa akin ang hari at dito nakita ko ang kanyang napaka gwapong mukha. Kulay asul ang mata at parang manikin nag mukha sa sobrang kinis. Hinawakan niya ang aking baba at saka ito ngumiti. Iniiwas ko ang aking mukha mukha sa kanyang pag kakahawak. "Hoy! Huwag mong bastusin ang hari ng Iranya! Wala kang galang!" ang sermon ng isang kawal. Natawa ang hari at muling hinawakan ang aking pisngi "Ikaw ang pinaka malakas na sandata ng Iranya. Maligayang pag dating sa aking planeta." ang wika niya sabay tayo.. "Dalhin siya sa loob ng sasakyan ngayon! Ang digmaan ay malapit nang mag simula! Nauubos na ang oras at ang lahat ay tiyak na mag wawakas sa takdang panahon." dagdag pa niya sabay lakad paakyat sa kanyang sasakyan. Part 10: Misyon Noong maka akyat ang hari ay ako naman ang kinaladkad pasunod sa kanya. Ilang beses akong nag matigas at lumaban ngunit matindi ang pag kaka tali sa aking dalawang braso at papa, sinukluban pa ng lambat ang aking ulo kaya wala akong magawa. "Huwag kana pumalag dahil kakatukan ka lang ulit namin. Sumunod ka nalang sa kagustuhan ng hari." ang suway ng isang kawal "Ano ba kasing kailangan ninyo sa akin?! Ano bang kasalanan ko?!" "Wala kang kasalanan, ngunit mayroon kami kailangan sa iyo." ang wika ng matandang doktor noong makapasok kami sa loob ng sasakyan at dito ay inihagis nila ako sa harap ng hari na noon ay nakaupo sa kanyang magarbong silya at naka ngiti habang pinag mamasdan ako. "Maligayang pag dating sa aking sasakyan ginoo. Ako si Kiran, ang hari ng planetang Iranya." pag papa kilala niya ulit. "Yumuko ka at mag bigay galang sa hari!" ang wika ng kawal sabay hawak sa ulo ko at pilit itong pinayuko. Natawa ang hari. "Hayaan nyo na siya. Iwanan nyo na kami dito." utos nito sabay tayo sa kanyang trono at nag tungo sa harap ng monitor ng kanyang sasakyan at pinindot ang buton nito. "Babalik tayo sa palasyo. Isara ang lahat ng lagusan sa ilalim ng karagatan." Naramdaman kong umangat sa lupa ang sasakyan at dito ay bumukas ang paligid nito kaya naman malinaw kong nakikita ang labas. "Saan nyo ako dadalhin?" tanong ko na hindi maitago ang pag aalala at pag kalito "Doon sa aking maliit na kaharian. Batid kong nalilito ka, hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat pag dating doon. Huwag kang mag alala dahil hindi kita sasaktan, wala kang dapat na ikatakot katulad ng nararamdaman ko sa iyong puso." "Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nakakaramdam ng takot. Paano ako kakalma kung napadpad ako sa isang lugar na wala sa mapa ng aking mundo? Paano ko ipapaliwanag sa aking sarili na napapaligiran ako ng mga kawal na mukhang mga isda at isang hari na parang mannequin ang mukha? Kahit sino naman ay mabubuwang na bigla ka na lamang hihilahin ng karagatan at lulunurin ng paulit ulit!" ang sagot ko kaya mas natawa siya. “Ang mga kawal na mukhang isda na iyon ay ang mga taga pag lingkod at taga pag tanggol ng buong kaharian, Huwag kang mag alala dahil ang kanilang anyo ay hindi naman talaga ganoon, ang mga palikpik at hasang ay parte lamang ng kanilang mga armor o suit na ginagamit para makahinga sa ilalim ng karagatan. Sa mga ordinaryong araw ay kawangis rin natin ang kanilang mga anyo. Kung sa bagay ay tama ka doon ginoo, kung ano man ang mapadpad sa ibang lugar na hindi pamilyar sa akin ay baka mag panic rin ako katulad mo.” ang tugon ng hari. “Nasaan na tayo?” ang tanong ko noong pumasok ang sasakyan sa isang portal at dito ay tumambad sa aking mata ang isang maunlad na sibilisasyon, nag tataasan ang mga gusali, nag liliparan ang mga sasakyan, makulay at maraming ilaw sa paligid na animo isang magandang tanawin sa mga sci fi na pelikula at babasahin. Hindi ko tuloy maiwasang mapa nganga at mapahanga sa ganda ng tanawin na aking nakikita. “Maligayang pag dating sa aking kaharian ginoo.Maya maya lamang ay baba na tayo sa aking palasyo. Doon ay ipapaliwanag ko sayo ang lahat.” naka ngiting wika ng hari at maya maya ay bumukas ang sahig na aking kinatatayuan at nahulog ako. Bumulusok ang aking katawan himapapawid kaya naman nag sisigaw ako. Habang nahuhulog ay nakita ko naman ang hari na bumubulusok rin sa aking tabi, naka ngiti pa rin ito. “Sabi ko naman sayo, ilang saglit lamang ay bababa na tayo mula sa sasakyan.” “Ito na ba yung pag baba natin? Papatayin mo ba ako!!” ang sigaw ko “Ganito ang uri ng pag baba sa aming planeta, ang pag talon mula sa itaas ng sasakyang pang himpapawid ay isang uri ng tradisyon.” Paliwanag ng hari “At isang uri rin ng pag papakamatay! Mga baliw!! Baliw kaaaaa!” ang sigaw ko Patuloy kami bumulusok sa himapapawid at noong malapit na kami sa lupa at naging marahan an gaming pag bagsak na parang isang bula sa ere. Naging maayos ang aming pag lapag sa pinaka ituktok ng palasyo. Tuwang tuwa ang hari at ganoon rin ang mga kawal na noon ay nag iba ang mga anyo, wala na ang mga kalasag sa kanilang mga katawan kaya naman dito ay nakita kong kawangis ko rin ang kanilang anyo, mga gwapo! Makikinis na parang mannequin ang mga mukha at matatangkad, ang bawat isa sa kanila ay pwede nang maging artista sa aming mundo. Nanatili akong nasalampak sa sahig, nang hihina ang aking tuhod at dahil sa takot ay hindi ko namalayan na ako ay naihi sa salawal. “Mahal na hari, naihi si 0type0! Ang panghe po mahal na hari! Baka maging lason ito sa ating planeta!” ang wika ng kawal. Lahat sila ay nag tatakbo sa aking kinalalagyan dala ang isang hose ng tubig at dito ay binombet ako na parang sasakyan sa carwash. Sa sobrang lakas ng tubig ay nag pagulong gulong ako sa sahig at napatihaya nalang. Agad nilang hinubo ang aking salawal at aking damit, pwersahan nila itong ginawa hanggang maging hubot hubad nalang ako at ang aking damit ay inilagay nila sa isang espesyal na container saka pinasabog. Yumanig sa buong paligid! “CLEAR! Wala po ang mapanganib na ihi ni 0type0! Ligtas na ang ating planeta sa polusyon!” ang wika ng isang kawal. “Putang ina nyo!” ang sigaw ko habang tinatakpan ang aking ari at katawan.. “Aba, mukhang magalang ang ating bisita. Putang ina mo rin ginoo.” ang wika ng Hari “Gago! Minumura kita! Masamang salita ang putang ina alam mo ba iyon?” ang tanong ko. “Pasensiya na ngunit hindi ako pamilyar, ang salitang putang ina dito ay mag papasalamat sa kabutihan ng iyong kapwa. Para itong positibong pag tugon sa kanyang ginawa. At pasensiya na rin kung kinakailangan naming linisin at pasabugin ang iyong damit dahil kontaminado na ito ng ihi.” “Tang ina! Hndi ba kayo umiihi? Ihi lang iyon! Mga naipong tubig sa katawan kailangan ilabas! Wala ba kayong t**i?!” ang galit kong tanong. “May t**i kami at sinisigurado naming mas malaki ito sa iyo. Delikado ang ihi ng lahi ninyo. Ito ang pangunahing polusyon sa inyong planeta. Ang mga nilalang doon sa inyo ay kung saan saan umiihi kaya sumasama ito sa hangin at nagiging sanhi ng pag kasira ng mga kalikasan. Ayaw naming maging kontaminado ang hangin dito sa Iranya, ayaw namin na matulad sa hangin sa inyong planeta na amoy ihi at basura. Bibigyan ka nalamang naming ng maayos na kasuotan.” ang wika ng hari at dito ay lumapit sa akin ang mga kawal at binigyan ako ng damit. Katulad rin ito ng damit na kanilang pinasabog. “Eto naman pala yung damit ko ah, akala ko ay pinasabog niyo ito?” ang tanong ko “Kinopya lamang namin iyan. Isuot mo na at ayusin ang iyong sarili.” ang wika nila. “Mag bihis kana at sumunod ka sa akin. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat ginoo.” Wika ng hari kaya naman mabilis akong nag suot ng damit at humabol sa kanya patungo sa loob ng palasyo. “Bakit kailangan kong pag daanan ang lahat ng ito? Ano bang gusto ninyo?!” ang tanong ko habang sumusunod sa kanya. “Dahil ito ang itinakda, ang lahat ng ito ay itinadhana sa iyo. Hindi mo pa ito mauunawaan sa ngayon ngunit batid kong darating rin ang takdang oras na magiging maliwanag rin sa iyo ang lahat. Sa ngayon ay nais kong makinig ka sa aking sasabihin.” Sagot niya at dito ay pumasok siya sa isang silid. “Sumunod ka sa akin ginoo.” Dugtong pa niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya doon sa loob ng silid. Dito ay nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng maliit na entabladong bilog. Walang kahit ano sa loob nito, bakante ang buong lugar, apat na sulok ng pader lamang ang aking nakikita. "Lumapit ka sa akin ginoo." ang wika niya. Humakbang ako patungo sa kanya at sa kada pag tapak ng aking paa ay dumidilim ang buong paligid at ang lahat ay ang babago ang anyo. Hanggang sa natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa lugar na punong puno ng mga bituin at planeta. "Ang silid na ito ay isang hologram ng kalawakan, ipapakita nito sayo ang eksaktong kinaroroonan ng isang planeta sa buong galaxy." ang paliwanag niya na aking kinamangha. Maya maya ay nakita ko ang isang pamilyar na planeta sa aking itaas. "Ito ang planetang Earth, ang inyong mundo na nasa solar system. Sa kabilang banda ay heto naman ang aming planeta." ang wika niya at dito ay lumabas ang tatlong planetang mag kakatabi. Parang mga molecules na pinag durugtong ng kakaibang linya. "Ito ang aming planeta, malayong malayo ito sa inyong solar system, kung mag lalakbay kayo gamit ang inyong kaawa awang teknolohiya ay aabutin kayo ng 200 to 300 years para makarating dito." ang wika niya "Kung ganoon ay paano ako nakarating dito ng ganoon kadali?" ang tanong ko "Teknoholiya ginoo. Ang aming portal ng oras at espasyo ay ang pinaka mabilis na daan para makarating dito ng isang iglap. At iyon ay naka tugon sa inyong kagaratan. Iyon ang dahilan kaya mabilis kaming nakakapag lakbay sa ibat ibang planeta gamit ang anyong tubig." "Bakit sa karagatan? Ang mga alien na katulad ninyo ay dapat nag lalakbay sa kalawakan." Natawa ang hari. "Ginoo, ang kalawakan at kagaratan ay pareho lamang. Ang dalawang lugar na ito ay hindi kaya tuklasin o suyurin ng mga planetang may mababang teknolohiya katulad ng inyong planeta. Ang inyong mga karagatan ay mahiwaga, maraming mga portal na nakatugon sa ibat ibang demensiyon. Siyempre ay hindi niyo ito matutuklasan dahil ang hindi sapat ang iyong kakayahan upang pag aralan o abutin ang pinaka kailaliman nito. Sa ngayon ang pinaka mahusay na teknolohiya ninyo ay wala pa 30% ang natutuklasan. Marami pang naka himlay sa kailaliman ng karagatan ginoo, mga nilalang na may kakayahang wasakin ang inyong lupain at mga hukbo na aahon na lamang para kayo ay sugpuin." ang paliwanag niya. Natahimik ako sa kanyang mga sinabi. Hindi ako maaaring kumontra dahil totoo ang kanyang mga sinasabi. Hindi sapat ang teknolohiya ng planetang Earth para tuklasin ang mga bagay sa pinaka kailaliman ng karagatan. "Kung ganoon ay ano ang kinalaman ko sa inyong planeta?" ang tanong ko "Kung napapansin mo ginoo, ang aming planeta ay nahahati sa tatlong bahagi. Para itong molecules na pinag kakabit kabit ng isang espesyal na linya. Ang bawat planeta ay mag kakaiba ng kulay, depende ito sa natural resources ng bawat kaharian. Ang tatlong bahagi ng planetang ito ay nag tataglay ng mataas na teknolohiya, maunlad at may kakayahang sumakop ng iba ibang planeta sa kalawakan. At ngayon ay nag kakaroon ng pag kakagulo sa aming planeta, dahil na rin sa pag kakaiba iba ng interes at paniniwala. Kami dito sa planetang Iranya ay nangangamba sa mga bagay na maaaring maganap sa hinaharap, kaya ngayon palang ay nag isip na kami ng paraan upang mag wagi sa darating na digmaan." "Digmaan? Anong ibig ninyong sabihin.?" tanong ko "Digmaan sa pagitan ng tatlong planetang ito. Ayon sa propesiya ay isa lamang ang mananatiling nakatayo ang dalawa ay mabubura sa kasaysayan. Kaya naman ngayon palang ay inihanda na namin ang pinaka malakas na sandata ng aming planeta." "Anong sandata?" ang tanong ko "Ang sandatang iyon ay IKAW." ang seryoso niyang sagot. Itutuloy..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD