APNI Part 9: Alon

1591 Words
Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 6, 2019   Part 9: Alon “Nag enjoy ka ba? Ang ibig kong sabihin ay nabusog ka ba?” ang tanong ni Cyan noong matapos kaming kumain. Kapwa kami naupo sa buhanginan paharap sa dalampasigan. “Oo naman, ang sarap ng hotdog mo.” ang naka ngiti kong sagot. Natawa siya at lumingkis ang kamay sa aking bewang saka niya ako kinabig palapit sa kanya. Hindi kami nag usap, basta kapwa lang kami naka tingin sa malayo. “Bakit ayaw mo pa akong umuwi?” tanong ko. “Ewan, basta ang alam ko lang ay may kakaiba sa iyo na gustong gusto ko. Para bang naaakit ako sa iyo, kahit alam kong lalaki ako at babae ang hanap ko. Iba e, kapag nakikita kita ay para bang may nag sasabi sa utak ko na lumapit ako sa iyo at halikan ka o kaya ay yakapin. Ewan, maging ako ay naguguluhan kung bakit ako ganito. May mga bagay na hindi ko maipaliwanag katulad ng nararamdaman ko ngayon.” sagot niya. “Baka naman dala lamang iyan ng kalungkutan, siguro ay kailangan mong humanap ng seryosong GF, balita ko ay marami na nang nadisgrasyang babae e. May anak kana siguro.” ang pang aasar ko. “Inaamin ko marami akong naputakang bahay bata , pero walang nabuo. Yung iba ay balak lang talaga akong pikutin.” Natawa ako. “Kaya nga sa susunod ay mag iingat ka sa babaeng ikakama mo o makakarelasyon mo, baka maya maya hindi kana makalusot pa.” “Parang ayoko na sa babae e.” ang sagot niya. “Saan mo naman gusto? Sa lalaki?” ang pang aasar ko. Natawa siya at ginusot ang aking buhok. “May magagawa kaba kapag sinabi kong oo?” “Bakla.” ang pang aasar ko kaya naman kinalawit nya ang aking leeg gamit ang kanyang braso at mas nilapit pa ang aking mukha sa aking mukha na para bang kakagatin ako sa pang gigigil. “Wala namang maniniwala na bakla ka e, laki ng katawan mo, perfect abs, pati ang height at napaka astig mo pang kumilos.” “Hindi naman ako bakla,sadyang may mga bagay lang na mahirap iwasan.” Sagot niya “Mahirap iwasan? Katulad ng?” tanong ko “Katulad mo..” sagot niya kaya naman natigilan ako sa pag sasalita at saka akong humarap sa kanya. Nag katinginan kami at doon ay natawa ako.. “Huwag mo ngang pag tawanan ang nararamdaman ko.” suway niya “Para kasing parati kang nag bibiro ko, pero kung sasabihin mo sa akin na seryoso ka ay hindi naman ako tatawa.” sagot ko. “Seryoso ako doon. Kaya dapat ay seryoso ka rin.” pag mamaktol niya. Tahimik. Kapwa kami nakatanaw sa  malawak na karagatan. Maya maya ay may isang malakas na alon ang sumalpok sa aming mga paa dahilan para mabasa kaming dalawa. “Alam mo ba na tuwing may sumasalpok na alon sa aking mga paa ay nakakadama ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag, para bang hinihila ako ng karagatan, parang gusto nila ako ilubog sa tubig at lunurin ng paulit ulit.” ang wika ko habang naka tanaw sa mga alon parating. “Syempre, ilang beses ka na bang muntik nang malunod sa karagatan? Kung ako man iyan ay baka ganyan rin ang maramdaman ko.” tugon ni Cyan. “Ikaw, takot ka ba sa karagatan?” ang tanong ko sa kanya “Hindi, parte na ng pamumuhay namin ang karagatan. Sabi sa akin ni papa ay muntik na rin akong malunod dati, buti nalang at natagpuan niya ako sa mga batuhan, walang malay at nag aagaw buhay. Ngunit hindi ko naman matandaan na nangyari iyon sa akin kaya siguro ay hindi ako natrauma. Heto hanggang ngayon ay sumasabay pa rin ako sa alon nito. Marahil ay natakot kana kaya’t ganyan ang nararamdaman mo.” ang sagot niya. “Siguro nga,hanggang ngayon hindi ko pa rin matandaan ang nangyari sa akin noong gabing iyon na nalunod ako sa karagatan. Basta ang alam ko lang ay may inaabot akong liwanag sa aking harapan, pag katapos noon ay wala na akong natandaan pa. Pag mulat ng aking mata ay nandito sa inyong isla. Ang lahat ay blangko na.” ang sagot ko habang nakatanaw sa malayong direksyon. “Pero alam mo, minsan mas maganda rin na nakalimutan natin ang masasakit na ala-ala sa buhay natin, para maka move tayo, para makapag simula muli at para makatakas sa anino ng mapaglarong kahapon. Sa ngayon makabubuti siguro na kung ano lang muna ang nakikita ng iyong mata ay doon ka tumingin. Kaya nga inilagay ang mga iyan sa harap ng ating mukha upang ang harap lang ang makikita natin. Magiging maayos ka rin tol.” ang wika ni Cyan habang naka lingkis sa aking likuran. Tahimik.. Kapwa namin pinag masdan ang palubog na araw sa kalangitan.. Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla nalang may gitarang tumugtog sa aming likuran.  Noong humarap kami dito ay nakita naming si Tibur at dito ay nag simula itong kumanta. Oya ni hagureta hinadori mo Itsuka ha yasashii hutokoro ni Kaeru ashita mo aru darou Danoni naze meguri aenu chichi no kage Naku mono ka Boku ha otoko da Shinjiteru shinjiteru Sono hi no koto wo Kono te de chichi wo Daki shimeru hi no koto wo “Ano bang kinakanta mo?” tanong ni Cyan sabay balibag mg buhangin sa kanya. “Themesong ng voltes 5, ano ba kayo. Sikat na sikat ito! Saka isa pa sa mga ganyang eksena ay kailangan talaga ng themesong!” ang sagot niya at muli nanamang pinag patuloy ang pag kanta. Natawa nalang ako. “Ang kulit ni Tibur.” “Bibigwasan ko iyan e.” naiinis na wika ni Cyan “Tangina, di tuloy ako maka diskarte!” ang bulong pa nito pero narinig ko naman. “Anong diskarte?” ang tanong ko naman. “Wala, tayo na nga doon, baka hinahanap na tayo ni Papa.” ang sagot niya sabay lakad palayo sa akin ako naman ay nanatiling nakatayo lang sa dalampasigan at pinag mamasdan ang kanyang pag lalakad. “Oy! Halika na!” ang pag yaya niya abang binabalibag si Tibur ng mga kabibeng pinupulot niya. Naka ngiti lang ako habang pinag mamasdan ang dalawa sa pag kakaharutan na parang mga bata. Nasa ganoong pag tayo ako noong mapansin kong kumikisap ang tubig na tumatama sa aking mga paa. Para itong nag liliwanag na hindi ko malaman o maipaliwanag. Hahakbang na sana ako para makahabol kina Cyan noong biglang may humilang kung anong pwersa aking katawan at mabilis akong inilubog nito sa pinaka ilalim ng tubig. Katulad ng dati ay nag liwanag nanaman ang aking katawan habang patuloy ako sa pag kawag na para bang nalulunod. Kaya naman muli kong ginamit ang aking buong pwersa para umangat sa tubig. Lumangoy ako paitaas. At noong maka angat ang aking ulo tubig ay laking gulat ko nang marami na akong katabing mga kawal, sila yung mga nag tutok sa akin dati ng mga sibat na may tatlong tulis, ngayon ay nakapalibot sila sa akin kaya naman sa takot ay muli akong lumubog at lumangoy palayo. “Hulihin ang siya! Huwag hayaang makawala si “zero type zero”! ang wika ng isa at sabay sabay silang lumangoy para igapos ako. Kinuryente nila ako sa ilalim ng tubig at dito ay hinuli ng lambat na parang isang isda dahilan para hindi na ako maka kilos o makapalag pa. “Bitiwan nyo ko!!” ang sigaw ko habang kumakawala sa pag kaka kulong. “Huwag kana pumalag bata! Iihawin ka namin ngayon!” ang wika ng mga ito habang tinutusok tusok ako ng kanilang sibat. "Tang inaaa, bitiwan nyo ko! Wala akong ginagawang masama! Sino ba kayoo?!" sigaw ko habang nag pupumilit na makawala sa lambat. "Tumahimik ka 0type0! Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng mga isdang nahuhuli sa lambat!" ang wika ng isang kawal sabay katok sa aking ulo. Binuhat nila ako paahon sa isla at dito ay may isang sasakyan kakaiba ang anyo na bumaba sa aming harapan. Halos liparin kami palayo sa lakas ng hangin noong lumapag ito sa lupa bagamat ang naturang sasakyan ay walang ingay hindi katulad ng mga eroplanong nakikita ko na sobrang ingay at masakit sa tainga. Ito ay parang papel na lumapag sa lupa, bagamat may hangin sa paligid dulo ng pwersa. Lahat ng kawal ay humilera ng maayos sa harap ng sasakyan. At dito ay lumuhod silang lahat. "Pakawalan nyo ko! Sino ba kayo?!!" ang malakas kong sigaw kaya naman muli akong kinatukang isang kawal. "Huwag kang maingay!" ang suway nito. "Mag bigay pugay sa pag dating ni Haring Kiran ng planetang Iranya!" ang sigaw ng isa pang kawal kaya naman ang lahat ay itinaas ang kanilang mga hawak na sibat at nag liwanag ang mga ito. Bumukas ang pintuan ng kakaibang sasakyan at dito nga ay lumabas ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng asul na kalasag, may kahabaan ang buhok at nakapusod sa kanyang likuran, maputi, makinis ang balat at hindi mukhang shokoy katulad ng kanyang mga kawal. Matikas ang kanyang tayo at nakabakat ang matipunong dibdib sa kanyang kasuotan. Sa kanyang tabi naman ay sumulpot ang isang matanda na may kaliitan na parang isang unano. Nakasuot ito ng pang laboratoryo at naka ngisi habang nakatingin sa akin. "Hindi namatay ang ating subject! Magaling ang pag kakagawa kay 0type0. Tagumpay po ang ating misyon mahal na hari." ang wika ng nito. Lumapit sa akin ang hari at dito nakita ko ang kanyang napaka gwapong mukha. Kulay asul ang mata at parang mannequin ang mukha sa sobrang kinis. Hinawakan niya ang aking baba at saka ito ngumiti. Iniiwas ko ang aking mukha sa kanyang pag kakahawak. "Hoy! Huwag mong bastusin ang hari ng Iranya! Wala kang galang!" ang sermon ng isang kawal. Natawa ang hari at muling hinawakan ang aking pisngi "Ikaw ang pinaka malakas na sandata ng Iranya. Maligayang pag dating sa aking planeta." ang wika niya sabay tayo.. "Dalhin siya sa loob ng sasakyan ngayon! Ang digmaan ay malapit nang mag simula! Nauubos na ang oras at ang lahat ay tiyak na mag wawakas sa takdang panahon." dagdag pa niya sabay lakad paakyat sa kanyang sasakyan. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD