APNI Part 8: Espesyal sa Puso

1739 Words
Ang Paraiso ni Irano AiTenshi July 3, 2019   "Pwede ba kita ano, anuhin.. ay mali. Ano yung ano.. imbatahin bukas kumain sa labas. Doon sa bagong bukas na kainan sa kabilang barangay. Kung ayos lang sayo." ang nauutal niyang salita. "Parang date?" ang tanong ko na nakaramdam ng kakaibang saya, ewan ngunit ngayon lang may nag ayang lumabas sa akin. At lalaki pa ito, kaya hindi ko halos maipaliwanag ang pakiramdam. "Date, ah e. Parang ganoon na nga. Saka parang pag bawi ko na rin sa ginawa kong p*******t sa iyo." ang nahihiya niyang sagot. "Okay. Mag kita tayo bukas? Alas 2 ng hapon?" ang alok ko.    Part 8: Espesyal sa Puso "Himala at maaga kang nagising Prinsipe Cyan, anong meron?" ang tanong ni Tibur noong makita si Cyan na naka upo sa harap ng lamesa. Mag katapat kami kaya naman malapitan naming nasisilayan ang mukha ng isa't isa. "Aayusin ko yung mga bangka natin doon. Diba iyon naman ang gusto ni papa, yung tumulong ako sa mga negosyo." ang wika ni Cyan kaya naman hinipo ni Tibur ang kanyang noo. "Wala ka namang sakit! Alam mo mabuti nalang at maagang pumasok si Kap kung hindi ay baka isipin niya na nababaliw na siya sa mga sinasabi mo." "Tigilan mo ako, akin na yung kape ko." ang utos nito. Samantalang ako naman ay abala lang sa pag kain. Kinuha ni Cyan ang tasang kape at hinigop ito, pero naka tingin siya sa akin, kahit sa pag nguya ng tinapay ay naka titig pa rin siya, bahagyang naka ngiti na parang nag papa cute na hindi mo malaman, kaya naman natatawa nalang ako at ginagantihan siya ng titig katulad ng kanyang ginawa. Mga bagay na ipinag taka ni Tibur habang pinag mamasdan kami. "Eh kung mag halikan na kayong dalawa? Yung sa sobrang gwapo niyo kayo na rin yung nag kagustuhan. Ang gwapo ay para sa gwapo, ang panget ay para saan? Sabihin nyo nga sa akin, para saan kaming mga panget na nag nanais mahalin at mag mahal? Ano sagutin nyo?!" ang tanong niya kaya naman kumuha si Cyan ng tinapay at ipinasak sa kanyang bibig dahilan para mabusalan ito at maubo. "Pwe! Masyadong malaki yung tinapay na isinubo mo sa akin. Wala ka man lang ka-sweetang ipinadama, basta ipinasak mo nalang sa bibig ko yung pandesal! Nakaka inis kana talaga papa Cyan. Saka ikaw Irano ha, kapag ikaw ay natalo sa Hari ng Isla ay kakalbuhin talaga kita!" ang wika nito na may halong pag kainis. "Oo nga naman, baka matalo kita. Work out kana." ang wika ni Cyan sabay hubad sa kanyang damit at talaga ipinakita niya yung kanyang perpektong katawan. Napatingin nalang si Tibur at napa tulala ito. Ako naman ay naka ngiti lang at pinag mamasdan ang kanyang kahubaran. "Maganda.." wika ko. Nangiti siya. "Maganda at masarap." ang biro niya sabay tayo sa kanyang upuan, lumakad ito patungo sa aking likuran, ipinatong ang kanyang kamay sa aking balikat at idinikit ang mukha sa aking tainga. "Alas dos." ang paalala niya sa aming lakad. Humarap ako sa kanya ngunit laking gulat ko noong nandoon pa rin pala ang kanyang mukha kaya nagkabangga ang aming mga ilong, kaunting pulgada nalang at mag kakadikit na ang aming mga labi. "Sorry." ang wika niya sabay distansiya sa akin. "Ayos lang, see you." ang sagot ko. "Anong see you? Anong mamaya? Ikaw Irano ha, kapag nabuntis ka ay masisira ang figure mo. Gagawin pa naman kitang super model! Naalala ko tuloy yung komiks na Dyesebel, kung saan napadpad ang pobreng sirena sa baybayin at may nakapulot sa kanya, ginawa siyang isang super mowdel! Ganon pa naman ang gusto kong mangyari sayo Irano, kaya iwasan mo yang pag lalandi!" ang wika nito sabay katok ng tinidor sa aking ulo. "Pero hindi naman ako sirena, at wala naman akong balak maging model." wika ko naman. "Ikaw nalang ang mag model Tibur tutal naman ay malaki ang katawan mo." ang pang aasar ni Cyan kaya naman napakunot noo ito. Matapos ang almusal, agad akong umalis para tumulong kay Kap sa barangay hall, samantalang si Cyan naman ay nag tungo sa kanilang mga bangka na nag aangat ng isda sa pamilihang bayan. Ala 1 ng hapon, habang abala ako sa pag aayos ng mga dokumento sa loob ng barangay hall ay laking gulat ko noong makita si Cyan na naka abang na sa harap. Naka upo ito sa ilalim ng isang puno habang hinihintay ang aking pag labas. "Kap, nariyan po ang anak nyo sa labas." ang wika noong isang kagawad. Sinilip ni Kap ang anak sa bintana. "Aba, oo nga. Nakaporma pa ang gago. Tanungin mo nga kung anong kailangan niya." utos ng kapitan kaya naman hinarang ko sila at ako na mismo ang nag sabi ng dahilan. "Kap, niyayaya kasi ako ng iyong anak na pumasyal sa buong isla. Maaari ba akong sumama sa kanya?" tanong ko na may halong pag aalangan. "Parang date daw kap." ang kinikilig na wika ng isang kagawad. "Aba't mainam naman kung mag kakaroon kayo ng pag bobonding. Maaari kayong lumibot sa buong isla ngunit huwag papa laot sa karagatan ng walang kasama. Delikado doon kaya kung maaari ay dito lamang kayo sa loob ng isla." paalala niya. Ngumiti ako at tumango bilang pag sang ayon.. Agad akong lumabas para puntahan si Cyan na noon ay naka abang pa rin sa aking pag labas. Noong iangat niya ang kanyang ulo ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hi" ang bati ko. "Hi, sinundo na kita. Ayos lang ba?" tanong niya. "Oo naman." naka ngiti kong tugon. "Saan tayo?" "Doon sa kabilang barangay." ang wika niya sabay turo sa isang maliit na isla sa karagatan. "Barangay yung isla?" pag tataka ko. "Ganyan ang tawag namin sa mga isla. Doon may masarap na kainin na dinadayo ng mga turista. Tara." "Sasakay tayo ng bangka?" "Oo naman, malapit lang naman. Natatakot ka ba?" "Hindi, pero bilin kasi ni Kap ay huwag na tayo pumalaot sa dagat." "Huwag ka mag alala dahil malapit lang naman iyon. Natatakot ka pa rin ba sa tubig?" "Hindi naman." "Iyon naman pala e." ang tugon niya sabay hila sa akin patungo sa mga bangkang nakahilera sa daungan. Dito ay sumakay kaming dalawa at nag pahatid sa pinaka malapit na isla. Inalalayan pa niya ako na parang isang babae. Kahit sa pag upo ay nakatabi siya sa akin, naka akbay sa aking balikat na para bang isang kasintahan na sobra kung mag protekta sa kanyang mahal. Hinayaan ko nalang syang naka akbay sa akin, paminsan minsan ay inililingkis pa niya ang kanyang kamay sa aking likuran. "Ayos ka lang ba? Katahimik mo naman." ang biro ko habang naka ngiti. "Ikaw nga tahimik diyan e, kanina pa ako naka akbay sa iyo tapos di ka man lang kumikibo." "Baka kasi magalit o mag selos yung gf mo." "Wala naman akong girlfriend. Kung gusto mo ikaw nalang. Gagawin kitang prinsesa ko." ang biro niya kaya naman natawa ako at sinuntok ang kanyang dibdib. Tawanan.. Maya maya ay kapwa rin kami natahimik at muli kaming napatingin sa mata ng isa't isa. Dito kay parang magnet na nag lapit ang mukha namin at gayon rin ang aming mga labi.. Noong malapit nang mag abot ang aming mga nguso ay pumikit nalang ako at hinayaang maganap ang dapat maganap. Nasa ganoong posisyon kami noong biglang may mag salita kaya bigla kaming nag balik sa aming ulirat at mag layo ang aming mga mukha. "Sige, mag halikan lang kayong dalawa." ang wika ng bangkero kaya naman hinablot ni Cyan ang kanyang sumbrero at dito bumulaga sa amin si Tibur. "Tang ina, anong ginagawa dito?" tanong ni Cyan "Edi nag papart time work. Alam nyo na minsan ay naiinip ako sa bahay kaya nag babangkero. Naka istorbo ba ako? Sige ituloy nyo lang, kunwari wala ako sa paligid." Ako naman ay napakamot ng ulo at napatawa nalang. Hindi naman natinag ang pag akbay sa akin ni Cyan hanggang sa makarating kami sa isla, kung saan may isang magandang kainan. Simple lamang ito, ngunit tahimik at napaka aliwalas. "Masasarap ang pag kain nila dito. Tara." ang excited na pag yaya ni Cyan kaya inabot ko ang kanyang kamay at sabay kaming bumaba sa bangka. "Enjoy guys." ang wika ni Tibur. "Bumalik kana doon sa barangay hall at tulungan si papa. Huwag kang mag alala kay Irano. Iingatan ko to." ang wika niya sabay akbay sa akin. "Iingat ko itong baby ko." ang bulong niya sa tainga ko kaya natawa ako bagamat nakaramdam ako ng kakaibang kilig. "Ang landi mo." ang biro ko. "Nilalandi nga kita. Ngayon mo lang ba nahalata?" biro rin niya sabay hila sa akin sa loob ng kainan. Naupo kami sa gawing gilid ng kainan kung saan mas malawak na nakikita ang karagatan. Malamig ang hangin at napaka payapa ng buong lugar. Pero gayon pa man ay mas gusto kong pag masdan ang kagwapuhan ni Cyan na noon ay abala sa pag tingin ng pag kain sa menu. "Ano po ang order nyo mga sir?" ang wika ng waiter at noong humarap kami dito ay bumulaga nanaman sa amin ang isang pamilyar na mukha. "Tibur?! Anong ginagawa mo dito?" ang tanong namin habang hawak nito ang papel at ballpen, naka suot siya ng maiksing palda at pink na apron. "Ako nga ito, alam nyo na kailangan kong mag part time. Bangkero at waitress. Anong order nyo? Mayroon kami dito mga seafoods na nag papalakas ng resistensiya, lalo kana papa Cyan, kailangan marami kang mailabas. Ang ibig kong sabihin ay mailabas na lakas sa trabaho. Order na kayo, tawagin nyo na lamang ako kapag may napili na kayo." ang malambing at magiliw na wika nito "Gusto mo bang lumipat ng kainan? Tangina kahit nasaan tayo ay parang kabuteng sumusulpot si Tibur e." "Ayos lang. Nandito na tayo." ang wika ko naman sabay turo sa pag kain na nais kong tikman. "Eto gusto ko" ang wika ko sabay turo sa tinapay na may hotdog na palaman. "Yan lang? May alam akong mas masarap na hotdog diyan. Makatas at pag natikman mo ay baka mabilaukan ka sa taba at haba." ang wika niya sabay lipat sa menu. "Eto o, super jumbo hotdog with cheese! Iyan rin sa akin." ang naka ngiting wika niya. "Ang laki naman niyan." ang tugon ko "Masanay kana sa malaki. Ang ibig ko sabihin ay madalas tayong kakain dito." Habang nag hihintay ng order ay kapwa kami napatingin sa karagatan. Para bang nalilibang kami sa panonood ng mga alon na sumasalpok sa dalampasigan. "Sana huwag ka muna umalis. Sana mag tagal ka pa dito." wika niya. "Bakit naman? Parang kailan lang e ayaw mo sa akin." "Ewan, basta iba yung pakiramdam ko pag malapit ka sa akin." sagot niya sabay tingin sa aking mga mata.. "Dito ka lang, huwag kang lalayo." dugtong pa niya. Itutuloy.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD