Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
July 2, 2019
Part 7: Nakalilitong Pintig
Tumagal ako ng ilang oras sa loob ng clinic bago bumalik ang aking lakas bagamat halos nangangatog pa rin ang aking katawan dahil sa hindi maipaliwanag na pang hihina, lalo lamang tuloy gumulo ang aking isipan tungkol sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag.
Alas 10 ng gabi noong iuwi ako sa bahay, dito ay agad pinatawag ni Kap ang anak, hindi kasi ito nahanap ng mga kagawad kanina dahil nasa galaan pa. Kaya pag dating niya ay hindi na ito nakapalag. Dinala niya ito sa aking silid at iniharap sa akin. Napatingin sa akin si Cyan na parang naka kita ng multo, hindi ko mawari kung natatakot ba ito o ang papa awa sa akin. "May naka kita raw sa iyo na binubugbog mo si Irano doon sa dalampasigan kanina. Gaano ito katotoo?" ang tanong ng kapitan sa anak.
Napayuko si Cyan at nawalan ng kibo..
"Totoo nga pala. Hindi kana nahiya? Sa halip na pakinabangan kita dito sa bahay ay sakit pa ng ulo ng dala mo sa akin!"
"Kap, wala namang ginawa sa akin si Cyan, nag uusap lang kami sa dalampasigan at pag katapos ay hinila ako ng malakas na alon at nawala ako sa balanse. Hindi niya ako sinaktan, wala siyang kasalanan." ang pag tatakip ko.
"Ang intensiyon mong pag takpan ang kalokohan ng aking anak ay hindi makabubuti Irano."
"Walang ginawa sa akin si Cyan, nag uusap lamang kami sa dalampasigan. Aksidente po ang nangyari sa akin." ang tugon ko.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag pasok ni Tibur dala ang tray ng pag kain. "Obvious naman kasi na pinag tatakpan mo lang itong si Cyan no, hindi naman na bago sa amin na nakikipag away iyan. Ilang lalaki na rin ang nabugbog niyan dito kaya hindi malayong pati ikaw ay pag tripan nilang mag kakabarkada. Anyway nauunawaan ko naman na kailangan pag takpan mo siya." ang naka ngising wika nito.
"Tibur, ibigay mo ang tray kay Cyan." ang utos ni Kap
"Hala, e bakit? Ako ang mag papakain, mag papaligo at mag aalaga kay Irano. Siya ang aking hero, siya ang aking alas, siya ang aking pambato sa Hari ng Isla 1996. Kapag hindi siya gumaling agad ay masisira ang mga plans namin." ang reklamo ni Tibur.
"Ibigay mo kay Cyan ang tray, simula ngayon ay siya na ang mag aalaga kay Irano hanggang sa gumaling ito." ang wika ni Kap
"Hala! Eh paano pag bibihisan o paliliguan si papa Irano? Si Cyan rin ba ang gagawa?" tanong ni Tibur bagamat halatang natatawa ito na parang kinikilig pa.
"Hindi naman baldado si Irano kaya naman sa tingin ko ay kaya niyang paliguan at bihisan ang kanyang sarili. Mananatili si Cyan sa kanyang tabi upang alagaan siya hanggang sa siya ay gumaling. Ito ang kaparusahan sa kanyang ginawang kasalanan." tugon ni Kap
"Eh pano pag nag tabi silang matulog? O maligo ng sabay?" ang tanong ni Tibur
"Ayos lang, pareho naman silang lalaki. Ibigay mo na ang tray kay Cyan." ang utos ni Kap
Walang nagawa si Tibur kundi iabot ang tray ng pag kain kay Cyan. "Oh ayan, hes all yours!" ang wika ni Tibur na parang may hinanakit saka ito nag tatakbo palabas ng silid na umiiyak. "Huhuhuhu..."
"Ano nangyari dun?" ang pag tataka ni Kap. "Anyway, tulungan mong gumaling si Irano. Sa halip na ikaw ang tumulong sa kanya, ikaw pa yung nag papahamak." dagdag pa niya sabay labas sa aking silid.
Naiwanan kami ni Cyan sa loob, hawak niya ang tray ng pag kain at napatingin ako sa kanya. "Iwanan mo nalang diyan iyan, sige alis kana." ang wika ko sabay bitiw ng hilaw na ngiti.
Inilapag niya ang sa lamesa tray at saka lumabas sa aking silid. Ako naman ay bahagyang bumangon ay kinuha ang tubig sa tray saka ko ito ininom, pakiwari ko ay may kung anong nasunog sa aking dibdib dahil kanina pa ito nag iinit ng husto. Sinubukan ko ring igalaw ang aking binti at paa, batid ko bumalik na ang aking nawalang enerhiya.
Hindi ko alam kung panaginip lang ba yung nangyari kanina. Ang mga kawal na animo mga taong isda, ang mga batong itim na nag liliwanag husto saka sumasabog, mga sandatang may tatlong talim na at nag lalabas ng kakaibang enerhiya na animo laser. Lahat ng ito ay buhay na buhay pa sa aking isipan ngunit hindi ko naman lubusang maipaliwanag. Masyado itong makatotoohanan para maging isang panaginip.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay muling bumukas ang pinto ng aking silid at dito ay pumasok si Cyan, dala ang isa pang tray ng pag kain. Inilapag niya ito sa aking lamesa paharap sa akin. "Bakit?" ang tanong ko
"Wala. Kakain lang ako." ang tugon niya.
"Bakit kailangan mo pa akong saktan kanina? Wala naman akong ginagawang kasalanan sa iyo."
"Masyado ka kasing pabida."
"Hindi pabida ang tawag doon, tumutulong lang ako sa tatay mo. Sana ay tumulong ka rin sa kanya dahil mas kailangan niya ito."
"Wala naman akong ginawang tama sa mata ni papa, parati akong palpak, kaya nga naiinis ako sa iyo dahil parati ka niyang pinupuri, mga bagay na hindi ko naranasan."
"Hindi siguro, baka puro kapalpakan ang ginagawa mo kaya madalas kang nakaka galitan. Mabait ang iyong ama, pinatuloy niya ako dito kahit hindi niya ako lubusang kilala. Malaki ang utang na loob ko kaya nais kong makaganti sa kanyang kabutihan. Ang pag tulong ko sa kanya ay isang paraan ng pag papakita ng pasasalamat." ang wika ko sabay galaw sa aking kamay at pinunasan ko ang dumi sa kanyang labi gamit ang aking hinlalaki.
Mga bagay na kanyang ikinagulat, at siyempre ay nabigla rin ako sa aking ginawa. Sadyang nakaka akit lamang pag masdan ang kanyang mapupulang labi kaya nawala ako sa aking sarili.
Napatingin siya sa akin habang ngumunguya..
Pero agad rin niya itong binawi.
"Bati na tayo?" naka ngiti kong tanong, bagamat dapat ay siya ang nakikipag bati sa akin pero sa tingin ko ay hindi na kailangan iyon, maturity na unawain mo ang isang bagay na hindi niya kayang sabihin dahil sa pride.
Muli siya humarap sa akin at tumango..
Matipid siya mag salita, hindi ko alam kung nahihiya pa o talagang wala lang siya sa mood na makipag usap.
Matapos kaming kumain ay kinuha niya lahat ng kasangkapan sa tray at nilabas ito. Ako naman ay naiwan lang na nakaupo sa kama habang naka harap sa bintana.
Tahimik.
Marahang gumalaw ang aking kamay at ipinatong ko ito sa aking dibdib, maigi kong pinakikinggang ang pag t***k ng aking puso. Ang kada pintig nito ay nag bibigay sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ng pinag halong kaba at takot sa mga bagay na maaari nanamang maganap sa akin tuwing humaharap ako sa karagatan.
Noong gabing iyon ay pilit kong iwinaksi ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Nakahiga ako sa aking kama ngunit hindi nanaman ako dalawin ng antok, ilang biling baligtad rin ang aking ginawa upamg makahanap ng komportableng posisyon ngunit wala pa rin. Patuloy na tumatakbo ang aking isipan kaya naman nag pasya akong lumabas ng silid at uminom ng tubig sa kusina.
Dito ay naabutan ko muli si Cyan na nag titimpla ng gatas, nakahubad ito at tanging maiksing boxer lamang ang suot. Bukol na bukol ang kanyang ari at ang kanyang mga muscles ay bagay na bagay sa kanyang tindig. "Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi ako makatulog. Mayroon akong iniisip." ang sagot niya habang abala sa pag halo sa kanyang gatas. "Ikaw bakit gising ka pa?" tanong rin niya.
"Mayroon din akong iniisip. Pero matutulog na rin ako, nakaramdam lang ako ng pagka uhaw." ang naka ngiting kong tugon sabay lagok ng tubig sa baso.
Hindi na kami nag kibuan, bagamat kapag lumilingon ako sa kanya nahuhuli ko siyang nakatingin rin sa akin..
"Tulog na ako." pag papalaam ko.
Tango lang ang kanyang isinagot..
Batid kong pinag mamasdan niya akong lumakad pabalik sa aking silid kaya naman sa pag kakataong ito ay pinigilan ko ang aking sarili na huwag lumingon sa kanya. Kakaibang pakiramdam kasi ang dulot kapag nag tatama ang aming mga mata.
Isinara ko ang pinto ay muling nahiga..
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang may kumatok sa aking pintuan, kaya agad rin akong bumalikwas ng bangon para buksan ito.
"Sino iyan?" tanong ko at dito at bumalaga sa aking harapan si Cyan.
"Bakit?" ang tanong ko.
Naubo siya at napa titig sa akin. "Ah e, ano.. ano gusto ko lang itanong kung masakit pa ba yung pag kakasuntok ko sa iyo." ang tanong niya sabay haplos ng kamay sa aking pisngi.
"Hindi naman, ayos lang ako. salamat." ang sagot ko
"Sige." ang sagot niya.
Isasara ko na sana ang pinto ng bigla niya ito pigilan. "Saka itatanong ko sana kung ano, kung ano.. kung may gagawin ka bukas." ang tanong niya dahilan para matawa ako.
"Wala naman. Bakit ba nauutal ka? Ayos ka lang ba?" biro ko kaya napakamot siya ng ulo.
"Pwede ba kita ano, anuhin.. ay mali. Ano yung ano.. imbatahin bukas kumain sa labas. Doon sa bagong bukas na kainan sa kabilang barangay. Kung ayos lang sayo." ang nauutal niyang salita.
"Parang date?" ang tanong ko na nakaramdam ng kakaibang saya, ewan ngunit ngayon lang may nag ayang lumabas sa akin. At lalaki pa ito, kaya hindi ko halos maipaliwanag ang pakiramdam.
"Date, ah e. Parang ganoon na nga. Saka parang pag bawi ko na rin sa ginawa kong p*******t sa iyo." ang nahihiya niyang sagot.
"Okay. Mag kita tayo bukas? Alas 2 ng hapon?" ang alok ko.
Nangiti siya at parang nakaramdam ng ginhawa sa buhay. "Ayos, sige. Susunduin kita."
"Sure. Mag kita tayo bukas." naka ngiti kong sagot sabay sara ng aking pinto..
Maya maya ay kumatok ulit siya kaya natawa ako at binuksan ko ulit. "Goodnight." ang bungad niya.
"Goodnight rin Cyan." ang tugon ko habang naka ngiti.
Ngumiti siya at saka nag tatakbo na parang bata sa hagdan pabalik sa kanyang silid. Ako naman ay naka ngiti lang habang pinag mamasdan siya.
Sa kabila ng mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag sa aking buhay ay nag kakaroon pa rin ako ng dahilan para ngumiti. Nakakalito man ng aking puso ngunit sigurado akong masaya ito.
Isang kakaibang kaligayahan na hindi ko alam kung saan nag mumula..
Itutuloy..