Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Part 59: Tamis at Pait "Isang magarbong hapunan ang aming inihanda. Alam niyo iyon, stress na stress na tayong lahat dahil sa kaliwa't kanang pag patay, pag kabigo at pag kasawi. Naisip ko na lamanan natin ang ating mga tiyan ng masarap at masustansiyang pag kain. Kailangan natin ng lakas para humarap sa mag kabilang hamon ng buhay. Amen!" ang wika ni Tibur habang nakatayo kami sa harap ng hapagkainan. Hindi ako kumibo, nanatili akong nakatingin sa mga putaheng nakahanda sa aking harapan. "Ayos ka lang ba Irvin?" tanong ni Heneral Montu. "Ayos lang ako. Kumain na kayo." ang naka ngiti kong sagot. "Ikaw ang dapat kumain, kailangan mo ng lakas. Masyado nang bumagsak ang iyong katawan dulot ng stress at matinding pagod. Maaari kang matulog mamaya o