PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 13, 2019 "Kailan maalis ang galit ko kay Cyan? Paano? Sa tuwing nakikita ko siya ay ibayong sakit ang nararamdaman ko." ang tanong ko. "Dahil tumitingin ka sa mga bagay na nakapag papasakit sa iyo. Katulad ng pag patay niya sa hari ng Iranya, o yung pakikipag talik niya sa ibang tao. Iyon marahil ang nag papahirap sa iyo para siya ay muling tanggapin." "Tao lang ako, may emosyon, nasasaktan, nagagalit. Hindi rin ako gan