Ang Paraiso ni Irano Season 2 AiTenshi Aug 13, 2019 Part 61: Ang Ninuno Natagpuan ko ang aking sarili na bumasak sa lupa. Iniluwa ng portal sa isang maliit na nayon sa tabi ng karagatan. Hinimas ang aking likuran at ulo na tumama sa buhanginan. Hindi ko alam kung saan ako napadpad o kung saan ako dinala ang portal na ito. Basta ang kutob ko ay sa ibang panahon ito. Malayo sa aming kabihasnan. "Kamusta ginoo." ang naka ngiting wika ng isang lalaki, may hawak na pamingwit at sagwan. Gwapo ang lalaki, matangkad, may magandang pangangatawan at maputi, hindi mukhang maninisid ng kung ano sa karagatan. "Nasaan ba ako? Kailangan kong bumalik sa aking panahon dahil na ang aming planeta ay nahaharap sa isang malaking digmaan. Kailangan nila ako doon!" ang wika ko sabay takbo, dumaib ako s