CHAPTER FOUR

2527 Words
HINDI katulad sa mga naunang araw ay ala-singko gumayak si Sanya para puntahan si Ethan. Isang white strapless top at navy stretch skinny pants ang napili niyang suotin at white sneaker naman para sa kanyang mga paa. Maliban sa liptint at face powder ay wala na siyang nilagay na koloreta sa mukha niya. Bitbit ang maliit na backpack ay lumabas na siya ng kanyang silid. Naabutan niya ang kanyang ina sa sala na tila may malalim na iniisip. Umangat ang tingin nito sa kanya. "Sanya, anak. Pwede ba tayo mag-usap?" tanong nito nang lapitan siya. "Hindi mo ba nakitang aalis ako?" aniya na nilagpasan ito. "Kahit sandali lang. Tungkol ito sa jewelry shop ng papa mo." Huminto siya sa paghakbang at nilingon ito. "Anong problema sa shop?" "Kinakailangang isara ang isa sa jewelry shop ng papa mo. Hindi na kasi sapat ang kinikita nito para mabayaran ang upa," Tinaasan niya ito ng kilay. "Ilabas mo 'yung 2 million na kinuha mo sa banko ni Dad at 'yun ang ipambayad mo. Oh! Don't tell me naubos mo na kasama ng lalaki mo?" sarkastiko niyang sabi. "Anak, iyong pera na 'yun ang ginastos para sa burol at panlibing ng Daddy mo," "Sinungaling!" "Anak, totoo ang sinasabi ko—" "Sa tingin mo ba magagawa ko pang maniwala sa'yo?" Mabilis siyang umiling. "After what you did to us? I will never believe you again!" Nag pakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi ko gustong makipagtalo sa'yo, Sanya. Gusto ko lang malaman mo ang tungkol sa jewelry shop ng ama mo." "Kung ang problema ay ang shop ni dad, do something about it para naman magkaroon ng saysay ang pagbalik mo!" pagtatapos niya sa usapin at walang paalam na umalis. Hindi niya maatim na makausap ito ng matagal. Makita nga lang niya ang ina ay kumukulo na agad ang dugo niya, dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala lamang niya ang ginawa nitong panloloko sa kaniyang ama. Merong limang jewelry shop ang ama niya nasa limang lugar sa Pilipinas. Bukod 'dun ay isa rin itong engineer at kumikita sa tuwing merong kumukuha sa serbisyo niya. Iyon din ang naging dahilan kung bakit Pagiging arkitekto ang kinuha niyang kurso. Pero simula nang mahuli ng ama niya ang panloloko ng kanyang ina ay unti-onting nawawalan ng gana sa buhay ang ama niya. Nagsimula narin humina ang negosyo nito at hindi na tumatanggap ng kliyente, dahil din 'dun nawalan na siya ng ganang mag-aral pa at lalong nasira ang buhay niya nang mamatay ang ama niya mula sa atake nito sa puso nang makita mula sa litrato ang kanyang ina kasama ang lalaking ipinagpalit nito sa kanyang ama. Kaya sinusumpa niya sa sarili na hinding hindi niya magagawang patawarin ang ina dahil sa ginawa nitong pagsira sa pamilya nila. Buntong hiningang binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon papunta sa port. Bago siya sumakay sa nirentahang yate ay bumili muna siya ng beer in can at mga pagkain na pwedeng gawing pulutan. Mag aala-syete nang makarating siya sa isla ni Ethan. Bukas na ang ilaw sa paligid at nakabukas na rin ang mga kurtina kaya kutang kita na ang kagandahan ng glasshouse. Nakita niya si Ethan na nakaupo sa pandalawahang lamesa sa may portico habang nakaharap ito sa laptop nito. "Hi!" masiglang bati niya. Kunot ang noong nilingon siya nito. "You're here again?" Nginitian niya ito. "Wala bang ibang lalabas mula sa bibig mo sa tuwing darating ako dito kundi 'yan?"  Sinarado nito ang laptop at tuluyang pumihit sa kanya paharap. "Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo para araw-araw kang pumunta rito?" "Hindi ba pwedeng ikaw ang pagkaabahalan ko, Ethan?" Pagak itong natawa nabahagyang sinabayan ng pag-iling ng ulo. "How old are you?" Nakaramdam siya ng tuwa dahil nagkaroon ito ng interest ang binata na alamin ang tungkol sa edad niya. Naniniwala siya na hindi ito magtatanong tungkol sa kanya kung wala itong interest sa kanya. Lumakad si Sanya patungo sa kinauupuan nito at naupo sa katapat nitong upuan. "I'm happy because I see that you're interested with me too." Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Sa pagtanong ko sa'yo sa edad mo? Asking your age doesn't mean I'm interested with you, Sanya," Hindi niya mapigilang matawa sa pagiging hard to get nito o nagpapa-hard to get nga ba ito? "Don't worry hindi ka makakasuhan ng child abuse dahil nasa tamang edad na ako, Ethan," "God—!" Pinutol nito ang sasahihin at matiim siyang tinitigan. Then slowly, a grin broke his lips. That grin never failed to take many a woman's breath away. His white teeth flashed in the dark. He was really startling good-looking. Sumiryoso ito. "I don't know what to do with you, woman. Gusto kitang itapon sa dagat paalis dito sa isla ko, but I can't. No woman has ever cought my attention," "So, you admit I got your attention?" hindi ito sumagot. "Ethan, inamin ko sa'yo na interisado ako sa'yo. Mahirap ba para sa'yo na sabihing ganun ka rin sa'kin? Dahil kung hindi, hindi mo na ako hahayaang magpabalik-balik dito sa isla mo," "Paano mo nagagawang sabihin ang mga bagay na 'yan gayong hindi mo pa ako lubusang kilala? I maybe a rapist or a criminal—" "Kung masama kang tao nagawa mo na akong saktan o gawan ng masama noong una pa lang, but you didn't," Isinandal ni Ethan ang likod and he studied her face. "Okay, I give up. Pero nasisiguro kong hindi rin magtatagal at mapapagod ka rin sa pagpunta-punta mo rito," Ngumiti siya. Wala sa vocabulary ko ang mapagod Ethan hanggang sa makuha ko ang gusto ko. aniya sa sarili. "May dala nga pala ako," pagliko niya sa usapan. Itinaas niya ang dala-dalang supot. "Samahan mo akong uminom. Siguro naman umiinom ka diba?" Inaasahan niyang tatanggihan siya nito pero hindi. "Sure. Matagal-tagal na rin mula noong huling inom ko." "That's great! Saan ko ito ipupwesto?" "Meron akong maganda spot na pwede nating puntahan. Wait me here kukuha lang ako ng bangket." anito na pumasok sa loob ng bahay. "WOW!" hindi iilang beses na lumabas sa bibig ni Sanya ang paghanga simula nang ma-iapak niya ang mga paa rito sa isla. Mula sa pwesto nila ay tanaw na tanaw ni Sanya ang bilog at malinaw ng buwan na siyang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Inilatag ni Ethan ang blangket sa buhanginan at inilabas nito ang laman ng supot na dala niya. "For me, this is the best spot here on the island." Anito na naupo. Naupo na rin siya sa tabi nito. "Bakit nga ba mas pinili mong manirahan dito, Ethan?" hindi niya mapigilang itanong. Inabot nito sa kanya ang binuksan nitong can. "Mas gusto ko lang ang mapag-isa," "Matagal ka na ba nakatira rito?" muling usisa niya. "7 years?" "That long? Hindi ka ba naboboring mag-isa rito at walang makausap?" Nagkibit ng mga balikat si Ethan, took one swallow. "Tulad ng sinabi ko mas gusto ko mapag-isa." mula sa kanya, ang mga mata nito ay lumipat sa payapang karagatan. "I was twelve when my parents broke up. Pero kahit na hiwalay na sila pinili pa rin nilang magsama para sa kapakanan ko. Walang araw na hindi naging tahimik ang bahay dahil sa pagtatalo nilang dalawa. I was eighteen years old nang iregalo ni papa ang isla na ito sa birthday ko.     Pinatayuan niya rin ito ng bahay para sa tuwing gusto kong magbakasyon ay pwede akong mag-stay dito, but when I got twenty years old I decided to live here alone. Noong una hindi pumayag si mama pero kalaunan ay napapayag ko na rin siya because I'm old enough to decide what I want," mahaba nitong kwento. Hindi niya inaasahan na ikukwento nito ang tungkol sa bahaging iyon ng buhay nito. "You have a broken family?" anas niya. Nilingon siya nito. "Yes, pero masaya pa rin ako dahil ayos sila ngayon bilang magkaibigan," "Ayos lang talaga sa'yo 'yun?" Muli itong uminom bago siya sagutin. "Masaya akong masaya na sila sa kani-kanilang buhay," "Hindi ka galit sa kanila?" tanong pa niya na hindi man lang makita ang galit sa mga mata nito. Umiling ito. "Noong una, pero kalaunan nagawa ko na lang din tanggapin ang lahat. Hindi ko naman 'din sila mapipilit kung hindi na sila masaya sa isa't isa. How about you?" Umiwas siya ng tingin dito, uminom ng beer at marahan na nagbuntong-hininga. "Limang buwan pa lang mula nang mamatay si Dad." "Ohhh... I'm sorry. I shouldn't ask." Nagkibit siya ng balikat. "Meron kaming masayang pamilya noon, not until... nahuli ni Dad na merong lalaki si Mom. Simula 'nun nawalan na ng gana si Dad sa buhay at palagi na lang siyang nagpapakalango sa alak.     Dahil 'din sa panloloko ng ina ko nasira ang pag-aaral ko at 'yun 'din ang naging sanhi ng pagkamatay ng ama ko. I hate my Mother for ruining everything," mariin niyang sabi. Hindi mawari ni Sanya kung bakit kusang pumatak ang mga luha niya. Hindi pa niya ipinakita kanino man na mahina siya, lalo pa ang umiyak sa harap ng ibang tao. Mabilis niyang tinuyo ang basa niyang pisngi. "P-pasensya na—" Napasinghap si Sanya nang hawakan ni Ethan ang mukha niya. Ang sunod nitong ginawa ay hindi niya inaasan. Ethan kissed her. Parang huminto ang buong paligid sa halik na 'yun ni Ethan at wala siyang ibang naririnig kundi ang lakas ng t***k ng mga puso nila. Tila naman natauhan si Ethan sa nagawa nito. Nahihiyang umiwas ito sa kanya ng tingin. "Don't you dare say sorry for kissing me, Ethan. Magagalit ako sa'yo." aniya na tumayo. "What are you doing?" tanong nito nang isa-isa niyang hinuhubad ang suot na damit. Nilingon niya ito at nginitian. "Hindi mo naman siguro ipinagbabawal ang maligo rito hmmm, Ethan?" Ang tanging natirang saplot lang sa katawan niya ay ang suot niyang bra at panty. May pang-aakit na ngiti ang ibinigay niya sa binata. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki nang masilayan nito ang lahos lantad na niyang katawan. Tumakbo siya pasuong sa payapang karagatan. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang lamig ng tubig. "Come on, Ethan!" anyaya niya rito. Nakangiting umiling si Ethan. Tumayo ito para magtanggal din ng damit at patakbong sumunod sa dalaga. Napuno ng ingay ang bahaging iyon ng isla. HINGAL na nahiga sa buhanginan si Ethan habang hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Talagang nag-enjoy siya sa kulitan nila ni Sanya sa dagat, habulan dito habulan doon na para bang matagal na silang magkakilala. Inaamin niya na ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong saya at hindi niya lubos akalain na mararanasan niya ito sa isang babaeng halos kakakilala pa lang niya. Hingal at tumatawa ring nahiga sa tabi niya si Sanya. "Ang bilis mong lumangoy!" tila reklamo nito. "For your information, nag-champion ako sa isang swim competition noong collage ako," aniya. Tumagilid ito ng higa paharap sa kanya. "Really?" "Yes," "Why you're so interesting, Ethan?" Nilingon niya si Sanya at titig na titig ito sa kanya habang may munting ngiti sa mga labi nito. "Am I?" ngayon lang merong babaeng nagsabi sa kanya ng bagay na 'yun. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa. "Yes." Tangong sagot nito. "Can you tell me about your self more, Ethan?" "Hmm..." saglit siyang nag-isip. "Maliban sa naging champion ako sa swim competition ay isa akong black belter sa taekwondo," pagmamalaki niya. "And?" "Ayun lang," "Ayun lang?" "Ayun lang." Kibit ang balikat na sagot niya. Inismiran siya nito at inis na bumangon. "Ang KJ mo!" Natatawang bumangon din siya. "Bakit naman?" "Pansin ko lang, sinasadya mong hindi ikwento sa'kin ang tungkol sa sarili mo. Is there someone you told everything about you and then just left you?" Napipi ang mga labi niya sa tanong na 'yon ni Sanya. Yes, there is someone but he just want to forget about her. Mapait niya itong nginitian. "There are things that should not be said especially in temporary people," may kahulugan niyang sabi habang titig na titig sa dalaga. Umayos sa pagkakaupo si Sanya paharap sa kanya. "What do you think about me, Ethan?" "Gusto mo ng totoong sagot?" "Yes please," mabilis nitong sagot. Mabilis siyang humugot ng hangin at agad 'yong ibinuga. "Sa tingin ko isa kang babae na basta na lang aayaw kapag nakuha mo na ang gusto mo," "Iyan ba ang tingin mo sa'kin?" "Sinasabi ko lang kung ano ang tingin ko sa'yo." Nagkibit siya ng balikat. "I don't know what exactly you want, but I'm sure you'll just disappear when you get bore with me," "Ouch!" inalis ni Sanya ang tingin nito sa kanya. Sinukla nito ang basang buhok gamit ang kamay nito. "I'm sorry! I thought you want a honest answer?" Nakangiting muli siya nitong tiningnan. "Totoo naman ang mga sinabi mo, kaya bakit ako magagalit?" So, he was right. Hindi naman maipagkakaila sa itsura nito na hindi nito magagawang pag-aksayahan ng panahon ang isang katulad niya na boring kasama, how much more kapag nalaman nito ang sakit na meron siya. "I want to offer you a deal, Ethan," maya'y sabi nito. Nangunot ang noo niya. "Deal? What deal?" "Why don't we try each other? Let's see how long we can take," Lalong naguluhan si Ethan sa sinabing iyon ni Sanya. "I don't understand what you want to say," Tipid na natawa si Sanya. "So innocent. I don't think you're still a virgin para hindi mo maintindihan ang mga sinabi ko, Ethan," "Beat around the bush Sanya," Muling natawa si Sanya pero agad huminto at seryosong tumitig sa kanya. "Maliban sa f*ck buddy, hindi ko alam ang desenteng tawag sa salitang 'yun." Umangat ang kamay niya at marahang ipinaglandas ang kanyang hintuturo sa matipuno nitong dibdib. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Sanya ang paggalaw ng mga panga nito. "Hinalikan mo ako kanina, nangangahulugan 'yun na interisado ka rin sa'kin. I know you feel it too, Ethan," "I don't know what you're talking about," he said in a deep voice. "Do you want me to rephrase that?" bulong niya sa tainga nito. Gustong ilublob ni Sanya ang katawan sa malamig na tubig ng dagat. Malamig na ang gabi ngunit mainit ang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon, dahil sa lalaking kaharap niya ngayon. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong erotiko sa isang lalaki, kay Ethan pa lang. Ang kamay niya na nasa dibdib nito ay gumapang pababa sa tyan ni Ethan at pababa pa sa puson nito, pero bago pa marating ng kamay niya ang p*********i nito at mabilis 'yung pinigilan ng kamay ni Ethan. "You don't know what you're doing, Sanya," anito sa hirap na paghinga. "I'm not virgin anymore, Ethan—." Dumiin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Virgin or not, I don't agree with what you want to happen." Anito na binitawan ang kamay niya at tumayo. Tumayo na rin siya. "Are you rejecting me now?" Tumigas ang anyo nito. "You want to be friends with me then, let's be friends," "That's not the answer to my question, Ethan," "I respect you, Sanya, and if you insist on what you want, you'd better not come back here again." seryoso nitong sabi bago siya nito tinalikuran at iniwan sa dalampasigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD