CHAPTER FIVE

2028 Words
HINDI makapaniwalang sinundan ng tingin ni Sanya ang papalayong bulto ni Ethan. Sa unang pagkakataon mayroon lalaking tumanggi sa kanya, at tangin si Ethan pa lang. Ramdam niya at nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pagnanasa nito para sa kanya kanina, sa paraan pa lang nang paghalik at mga ibinibigay nitong tingin sa kanya ramdam niyang interisado rin ito sa kanya, pero bakit pilit itong umiiwas? Buntong hiningang muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa blangket. Kumiha ng can beer, binuksan at agad na nilagok ang laman ni'yun. Ang isip niya ay okupado pa rin ni Ethan. Hindi niya alam kung bakit ganu'n na lang kailap ang lalaki, marahil nasaktan na ito nang dahil sa pag-ibig kaya naging ganu'n ito. Kibit ang balikat na inubos na lang niya ang iniinom na beer. Dahil sa pagiging mailap ni Ethan lalo tuloy siya nahahamon na makuha ito. "Makukuha rin kita, Ethan," sabi niya sa hangin. Nang maubos niya ang laman ng beer in can ay muli siyang sumuong sa malamig na tubig ng dagat. She need this, para maibsan ang nararamdaman niyang pangangapoy ng katawan. Ilang beses pa siya nagpalangoy-langoy sa dagat bago magpasyang umahon na. Sinuot niya ang mga hinubad na damit kanina at bitbit ang gamit na bumalik siya sa bahay ni Ethan. Ibabalik lang niya ang blangket at pagkatapos tatawag na siya sa nirerentahan niyang yate para magpasundo kung available pa ito. Naabutan niya si Ethan na naghihintay sa sala, bagong paligo na ito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo pagkadating niya. "Maligo ka na at magpalit ng damit bago ka pa sipunin." Tinuro nito ang damit na nasa upuan. "Dito ka na rin magpalipas ng gabi. Delikado na para sa'yo ang bumiyahe pa ng ganitong oras," sabi pa nito. Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Sanya sa binata. Inaasahan niyang magiging cold na ito sa kanya pagkatapos ng nangyari kanina or wala na itong pakialam pagkatapos ng mga sinabi niya rito kanina at paaalisin na siya, pero heto't nakikita niyang concern ito sa kanya. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito nang nanatili lang siyang nakatayo at titig na titig dito. "Sige maiwan na kita," anito na akma nang tatalikod, pero mabilis niya itong pinigilan. "Ethan! S-salamat," halos nahihiya niyang sabi. Nahihiya siya para sa sarili dahil wala siyang ibang inisip kundi ang makuha ito habang ito mabuti ang hangarin na ipinaakita sa kanya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng konsensya. "Pasensya na rin sa mga nasabi ko kanina, pero hindi ko pa rin itatanggi na interisado ako sa'yo," Tipid siya nitong nginitian. "Kalimutan mo na 'yun at gusto ko lang na malaman mo na ginagalang kita, Sanya. I really do." "Hindi ka ba naaakit sa'kin?" Kagat ang labing tanong niya. "Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. You are beautiful and seductive, pero hindi nakakahulugan na tatanggapin ko ang offer mo, dahil tulad nga ng sinabi ko ginagalang kita, Sanya." Mabilis siyang tumango. "I understand. But if you change your mine, you can—" "It's a no," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Kagat ang ibabang labi na muli siyang tumango. "Okay, ikaw din," Umiling-iling ito. "Sige na, maligo ka na. Magluluto ako para sa hapunan natin. I'm sure nagugutom ka na rin tulad ko." Anito na nagtungo na sa kusina. Lihim siyang napangiti, walang pa lang lalaki ang naging ganito ka-caring sa kanya. PAGKATAPOS maligo ni Sanya ay nakatapis lang siya ng twalya na lumabas ng banyo. Nakalimutan kasi niyang dalhin yung damit na ipinahiram sa kanya ni Ethan. "Christ!" bulalas nito nang makita siya nitong lumabas sa banyo na nakatapis lang ng twalya. "Sorry, nakalimutan ko kasi 'yung damit na pinahiram mo," nakangiwing sabi niya. Kinuha niya ang mga damit sa upuan at mabilis na bumalik sa loob ng banyo para magbihis. Hindi niya mapigilang matawa sa naging reaksyon ng lalaki nang makita siya nito na naka tapis lang ng twalya. Dahil maputi ito, hindi nakakaligtas sa paningin niya ang pagpula ng pisngi nito. Ang cute lang ni Ethan. Para itong inosente na hindi pa nakatikim ng babae sa tanang buhay nito. Eksakto pagkalabas niya ulit sa banyo ay nakahain na si Ethan sa lamesa. "Let's eat. Mabilisang ulam na lang ang niluto ko para makakain na tayo agad," anyaya nito sa kanya. Hotdog, bacon at itlog ang niluto nitong ulam. "Hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain. Actually, hindi talaga ako kumakain ng hapunan." Aniya na naupo. "Really? Kaya ka ba ganyan kapayat?" kunot ang noong tanong nito. Ngayon lang may nasabing payat ang katawan niya. Ang iba sinasabing, she has a body of goddess, tapos ito payat ang tingin sa katawan niya? "Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng naka-bra at panty, kaya hindi mo alam ang sexy sa payat?" "I have seen it many times, in magazines and sometimes on television!" pagmamalaki nito. Hindi alam ni Sanya kung ano ang dapat na ireak sa sinabi ni Ethan, pero sa huli natawa siya. "Seriously? Daig mo pa ang taga-bundok para hindi pa nakakakita ng babaeng naka-bra at panty, Ethan." naiiling niyang sabi rito. Dr"But I'm happy, Katawan ko ang una mong nakita. Para kang isang birhen sa inaasta mo, Ethan." Natigil ito sa pagsandok ng kanin. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Don't tell me, you're still a virgin?" Sumilay ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya nang hindi nakasagot si Ethan. "So, you are?" "Stop teasing me, Sanya, just eat." Pero hindi niya mapigilan ang asarin ito. Ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking birhen pa! "Ethan is still a virgin," "Kumain ka na lang," anito na nagsisimula nang kumain. "Kaya siguro ayaw mong tanggapin ang alok ko sa'yo, because you don't know how to do it," Seryoso siya nitong tiningnan. "I'm not innocent as you think, Sanya, believe me. I just knew how to respect woman." Nawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Sanya. Tila siya humanga sa sinabing iyon ni Ethan. Nakadagdag na naman 'yun ng puntos sa kanya dahil ngayon lang din siya nakatagpo ng lalaking may ganu'ng pananaw sa buhay. Halos mga lalaki ngayon, gagawin ang lahat makuha lang ang isang babae. "Eat," anito sa kanya na pinagpatuloy ang pagkain. Hindi na siya nagsalita pa. May ngiti sa mga labi niya na sinabayan niya na ito sa pagkain. Pagkatapos nila kumain, tinulungan niya si Ethan na magligpit ng mga pinagkainan nila. Nagprisinta siya na siya na lang ang maghugas ng mga pinggan kaya ito ang nagpunas ng lamesa. God, guide me. Aniya sa sarili. Hindi naman kasi talaga siya marunong maghugas ng pinggan dahil lumaki siyang may yaya at kasambahay sa bahay kaya wala siyang alam sa mga gawaing bahay. Nagprisinta siya para lang magpa-impress kay Ethan. Babasain at sasabunan lang naman plato diba? Tapos, tapos na. Madaling lang naman. Kumuha siya ng isang plato, binasa iyon pagkatapos ay sinabunan. Pero sa hindi inaasahan ay dumulas iyon mula sa kamay niya at nabasag. "Are you hurt?!" sa isang iglap nasa harapan na niya si Ethan at tinitingnan kung nasugatan ba siya sa kamay. Nahihiyang binawi niya ang kamay mula rito. "I'm sorry," Nagbuga ito ng hangin. "You don't really know how to wash the dishes?" Tanong nito. Marahan siyang tumango. "Pero bakit nagprisita ka pa rin kahit hindi ka marunong?" "Because I just want to impress you," nakayuko pa rin niyang sagot. "Nakakahiya tuloy." Hinawakan siya nito sa baba at marahan 'yung itinaas. "It's okay, not a big deal, plato lang 'yan," "Still nakakahiya pa rin." Aniya na ngumuso. "You can learn if you want. Sa ngayon maupo ka muna at ako na muna ang maghuhugas, hmmm?" Marahan siyang tumango. Nahihiyang umalis siya sa harap ng lababo at naupo sa stool chair. Bakit kasi nagprisinta pa siyang maghugas kahit di naman siya talaga marunong maghugas ng plato? Iyan tuloy napala niya, napahiya siya kay Ethan. Imbis na dagdag points, naging bawas points tuloy. Dahil nakatalikod si Ethan ay malaya niyang napagmamasdan ang likuran nito. Hindi ganu'n ka macho ang katawan ni Ethan, pero masasabi niya na may ipagmamayabang din ito. Bumaba ang nga mata niya sa pang-upo nito, malaki iyon para sa isang lalaki. Sara lang pisilin. Heh! Tumigil ka, Sanya. Kung anong kahalayan na naman ang tumatakbo sa isip mo! Saway niya sa kanyang sarili. "Stop staring," anito na nagpakurap sa kanya. "I can feel your gaze on me," sabi pa nito. Nakatalikod pa rin ito sa kanya. "Hindi ka rin ba pwedeng titigan?" natatawa niyang tanong. "I feel awkward," "Okay, I'll stop staring at you," but she lied. "I still feel your gaze on me, Sanya." Lalo siyang natawa. Sarap talagang asarin ito. "I'm not!" Nilingon siya nito. "See you staring at me," hindi nakatakas sa paningin niya ang namumula nitong mukha. "I just can't help my self staring at you, Ethan." pangaasar pa niya. "Sanya," saway nito. "What?" painosente niyang tanong. "Stop that will you?" "Okay, okay!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo at umalis sa kusina. "Thank you!" anito na ikinailing na lang niya. Dinala siya ng mga paa niya kung saan nakapwesto ang grand piano. Naupo siya sa tapat ni'yun at pinindot ang isang key kaya naglikha iyon ng ingay. "You play piano?" maya'y tanong niya. "Yeah," sagot nito na nasa likuran na pala niya. "Playing instruments is my passion." "Sample, sample, sample!" natatawa niyang biro rito. Ngumisi ito. "Okay if you want." Na naupo na ito sa tabi niya. "This one is my favorite song," anito na nagsimula nang tumipa sa piano Sa unang pagtipa pa lang ni Ethan sa keyboard ng piano ay agad na siyang humanga rito. Hindi maiwasang tumibok ng mabilis ang puso niya habang titig na titig sa lalaki. "The title of this song is 'River Flows In You'," anito habang nakapikit ang mga mata. Tila dinadama nito ang pagtugtog sa piano. Kahit nakapikit ito hindi ito nagkakamali sa pagtugtog na kabisado na nito ang bawat key ng piano. Habang nakatitig siya kay Ethan, hindi niya inaasahan ang kumawalang luha sa kanyang mga mata. Ang kantang itinugtog ng binata ay humahaplos sa kanyang puso, then she suddenly missed his Father. Sa kanyang pagsinghot, huminto si Ethan sa pagtipa sa piano. Nagmulat ito ng mga mata at kunot ang noong nilingon siya nito. "Are you crying?" Mabilis siyang umiwas ng tingin dito at agad na tinuyo ang basang pisngi. "I'm sorry, I suddenly missed my Father." Hinawakan siya nito sa baba at marahang pinihit ang mukha niya paharap dito. "Sanya, I don't know what you've been through, but every time I see you cry, I want to erase all your sadness." Mapait niya itong nginitian at inalis ang kamay nito na nasa kanyang baba. "Ayokong pakisamahan mo lang ako dahil sa awa," "Hindi kita pinakikisamahan dahil lang sa awa, Sanya." Humugot siya ng hangin at agad iyong pinakawalan, kuway nilingon niya ito. "I don't want you to look at me na para bang naaawa ka sa'kin," "I just want you to feel better, wala akong ibig sabihin 'dun." Natigilan ito nang walang paalam na mabilis niya itong hinalikan sa mga labi. "Kiss is enough, Ethan. If you want me to feel better just kiss me." Aniya na nginitian ito. Natatawang umiling-iling ito. "So naughty." Tumayo na ito. "Wait me here," anito na nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay. Nang bumalik ito ay may dala na itong unan at kumot. Inilapag nito 'yun sa malaking sofa na nasa living room. "Here's your pillow and blanket, matulog ka na lang kapag inaantok ka na." Nangunot noo siya. "Dito ako matutulog sa baba mag-isa?" "Oo, bakit hindi?" Bumagsak ang mga balikat niya dahil sa disappointment. Inaasahan pa naman niya na makakatabi ang binata sa pagtulog. "You are a very gentleman," sarkastiko niyang sabi. Ngumiti ito. "You're welcome, matulog ka na," akmang tatalikod na ito nang muli itong magsalita. "Don't forget to lock the door before you sleep. Good night, Sanya." anito na muling pumanhik sa ikalawang palapag. "Good night mo mukha mo!" aniya na inis na nahiga sa sofa. Wala pang lalaking trumato ng ganito sa kanya, na para bang meron siyang nakakahawang sakit. Pero sa huli hindi niya mapigilang mapangiti dahil nakukyutan siya sa pagiging mailap ng binata. May ngiti si Sanya sa mga labi nang dalawin na siya ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD