PAGKATAPOS na ipagtapat ni Sanya kay Ethan ang tungkol sa kambal ay walang kasing saya ang puso niya. Masaya rin ang kanyang ina nang sabihin niya rito ang tungkol sa mga bata, kaya dali-dali itong pumunta sa mansion. "Gusto kong magalit sa'yo, Sanya, sa pagtago mo sa amin tungkol sa kambal pero nawala ang galit ko ng makita ko ang mga gwapo kong apo," si Maureen na kandong-kandong si Dos. "Lola, please wag ka na po magalit kay Mommy," si Dos na ngumuso. "Paano pa nga ba ako magagalit eh ikaw na nagsabi." anito na tinadtad ng halik sa pisngi si Dos. "Lola!" reklamo naman ng paslit. "I'm sorry, Tita Maureen," hinging paumanhin naman ni Sanya. Nagbuntong-hininga ang kanyang ina. "May magagawa pa ba ako? Nandyan na 'yan, nangyari na. Wala rin naman mangyayari kung magagalit pa ako sa in