Malaikah's PoV IMPIT akong napadaing nang hawakan ni Uncle Trex ang paa ko. Masama ang pagkakatapilok ko kanina dahil sa paghahabol sa paglalakad nito. Nilalagyan nito iyon ng betadine at saka may hawak din ito na hot compress. “Need mo lang na mag-relax. Na-sprain ka lang kaya ganyan. Mawawala din iyan mamaya. Kung inaantok ka na magsabi ka lang at ihahatid na kita sa apartment mo.” Tumingin ako rito na mukhang nag-aalala sa akin. “Okay lang ako, Uncle Trex.” Tumango naman ito at ipinasa sa akin ang hot compress na hawak. “Huwag mo na akong ihatid.” Hindi naman talaga si Frost ang kausap ko kanina kun'di ang kaibigan ko na si Gwen. Sinadya ko lang na inisin ito at nagtagumpay naman ako. Nagseselos si Uncle Trex kay Frost. Kailangan ko pang makasigurado kung totoo nga talaga ang fee

