Trex's PoV HINDI talaga ako pumasok sa office at nasa garden lang ako kanina. Hindi ko inaasahan na pupunta si Malaikah sa kuwarto ko. At nang hindi na ito lumabas ay nagdesisyon na akong sundan ito. Akala ko kung napano na ito habang nasa may bath tub. Napailing na lamang ako habang pababa ng hagdan. Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Ito na mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalo akong mab@liw dito. Natuwa lang ito kanina habang binabasa ang isinulat ko. Hindi nito sineseryoso ang feelings ko. Hindi ko na kaya itago ang nararamdaman ko kay Malaikah. Habang tumatagal mas lumalalim ang pagmamahal ko rito. At hindi ko na kayang lumayo para pigilan pa ang sarili ko. Nakita ko ang cellphone ng dalaga na naiwan nito sa may couch. Mukhang kagabi pa iyon naroon at hindi nito nap

