Angelo's PoV “HINDI mo dapat ginawa iyon kay Malaikah!” naiinis na sabi ko kay Jaya nang mabasa ko ang mahabang message sa akin ni Uncle Trex. Naglasing daw si Malaikah kagabi at sinamahan nina Tine at Drei sa apartment dahil may narinig daw ito na ungøl ng isang babae at nalaman pa nito ang tungkol sa amin ni Jaya dahil sa mga matatabil na bunganga ng mga officemates ko. Kasalanan ko iyon dahil pinilit kong magtrabaho si Malaikah sa office kahit na hindi nito iyon gusto. Masamang tumingin sa akin si Jaya. “Bakit mo ako sinisigawan? Mahal mo na ba ang babaeng iyon? O niloko mo ako noong sinabi mong wala pang namagitan sa inyong dalawa!” sigaw sa akin ni Jaya. “Naging kaibigan kong matalik si Malaikah at inirespeto ko siya. Hindi mo dapat ginawa iyon na sagutin ang tawag niya habang nag

