Malaikah's PoV NAKATAAS ang aking isang kilay habang nakatingin kay Uncle Trex na nasa loob ng office nito at mukhang may kausap. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ng kausap nito dahil naka-lock ang office nito ngunit sa itsura ni Uncle Trex mukhang may kaaway ito. Nasa loob naman ako ng office ko at kakatapos ko lang i-note ang mga schedule ni Uncle Trex bukas. Valentine's Day pa naman bukas at uuwi sana ako pero hindi na ako uuwi dahil natawagan ko na ang tiyahin ko na hindi na ako ikakasal. Siguro panahon na talaga para i-pursue ko ang pagtratrabaho sa ibang bansa. Matalino akong tao para maging t@nga pagdating sa pag-ibig. Seven o’clock na ng gabi at inayos ko na ang mga gamit ko para umuwi. Nag-overtime na naman ako dahil may nangyaring aberya sa isang wedding project ni

