Malaikah's PoV PINAPANOOD ko si Uncle Trex na nagluluto ng breakfast namin. Hindi ako marunong magluto ng mga ulam na komplikado. Ang Itinuro lang sa akin ng aking mahal na Lola Masha ay magprito ng itlog, hotdog, meatloaf, tocino at maglaga ng itlog. Magluto ng pancit canton at payless. Ang ang pinakauna niyang Itinuro sa akin ay magluto ng kanin. Naka-focus lang kasi ako noon sa pag-aaral ko. At si Lola Masha ang naging katuwang ko sa pag-abot ng aking pangarap. Nilingon ako ni Uncle Trex na nakaupo lang sa may silya. Sinenyasan niya ako na lumapit dito. “Plano mong mag-asawa ng Amerikano pero hindi ka marunong magluto? Sino ang nagluluto sa inyo ni Angelo?” Nabanggit na naman nito ang mahal nitong pamangkin. “Si Angelo, sir. Hilig niya ang pagluluto, e. Bakit ba napunta na naman

