Trex’s PoV “SIR, sigurado ba kayo na hindi ko na kayo ihahatid?” nagkakamot ang ulong tanong sa akin ni Mang Sendo. “Huwag na manong, simula ngayon hindi mo na ako ihahatid at susunduin sa office ko. Uuwi ako mamaya sa Tarlac para bisitahin sina Mommy at Daddy. At isasama kita, manong. Kailangan ka roon ni Daddy dahil nabalitaan ko na mahilig siyang gumala kung saan-saan kasama ni Manong Fredo.” Tukoy ko sa matandang katiwala nila Dad. “Ikaw ang magre-report sa akin sa mga activities ni Dad, Mang Sendo.” “Sige po, sir. Matagal ko nang gusto na makauwi sa probinsya.” Namilog ang mga mata ni Mang Sendo sa sinabi ko. Hindi ko na rin pababalikin ng bahay ko si Aling Wes, mas mabuting may katuwang si Mommy dahil nasabi sa akin Manang Bacon na nahihilig na naman sa pagtatanim si Mommy ng mga

