Malaikah’s PoV Pagdating namin sa office ni Uncle Trex ay hindi na niya ako pinansin. Kanina pagbaba ko sa sasakyan nito ay wala siyang sinabi sa akin. Nauna rin itong pumasok sa loob ng building at iniwan ako. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. “Malaikah… enhale… exhale… iyong kanina wala iyon, okay?” mahinang sermon ko sa aking sarili habang patungo ako sa office ng Team Love. “Good morning, Aika!” pagbati sa akin ni Nate. Hindi ko namalayan na nakasabay pala ito sa akin at siya pang nagbukas ng glass door ng office namin. “Good morning din. Salamat, Nate.” Matipid ko itong nginitian bago ako magtungo sa table ko. “Okay ka lang ba, Aika? Kanina kasi para kang nakakita ng multo at para bang namumutla ka rin. May nangyari ba sa iyo na hindi maganda?” Masasabi k

