Kabanata 15

1487 Words

Malaikah’s PoV SINUNDAN namin ni Tine sina Uncle Trex at Drei. Hindi ko pa kasi nasabi rito ang ipinasasabi ni Nate. Nandito kami ngayon sa second floor kung saan ang opisina ni Uncle Trex. Habang nasa labas kami ni Tine ay naririnig ko na ang galit na galit na boses ni Uncle Trex. Malakas, at nakakapangilabot. Grabe naman pala talaga ito kung magalit. “Paulit-ulit na lang tayo, Drei! Naiinis na ako ngayon! Hindi na ito tungkol sa pera kun’di sa dignidad ng negosyo ko. Isang costumer ang bigla na lang nag-back out kung kailan finalize na ninyo iyong event! At ang nakakainis pa ay loyal costumer na natin si Misis Feliza, ilang events na niya ang hinawakan natin pero ngayon lang siya nag-back out.” Narinig ko may ibinagsak si Uncle Trex sa loob ng office nito. Nagkatinginan kami ni Tine

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD