Trex’s PoV IPINATAWAG ko si Malaikah pagkatapos ng lunch time. Pagkatapos kong magalit kay Shaney ay hindi na ako nakakain ng lunch. Alam kong nasaktan ko ang damdamin nito pero hindi na ako natutuwa sa mga kapalpakan na ginawa nito ngayong buwan. Sunod-sunod ang mga iyon at hindi lang pera ang nawawala sa akin kun’di loyalty ng mga loyal costumers ng Villa Conde‘s Wedding and Events. Narinig ko ang pagkatatok sa may pinto. alam ko na si Malaikah na iyon. Nakatayo ako patalikod sa aking lamesa at nakaharap sa salamin ng aking opisina. Natatanaw ko ang paligid ng building habang nakatingin ako sa may glass window. “Come in!” malakas na utos ko. “Go-Good afternoon, sir.” Boses ni Malaikah na para bang takot na takot ito sa akin. Pumihit ako at hinarap ko siya. “Narinig ko ang bulungan

