NABABAHALANG tinitigan ni Stone ang mahimbing pa ring natutulog na si Zee. Bumaba ang tingin niya sa namumulang marka na nasa pagitan ng balikat at leeg nito. Naibigay na niya ang marka pero hindi pa ulit ito nagigising mula nang muli itong matulog. Ayon sa doctor nito stable na ang vital signs ni Zee at hihintayin nalang ulit itong magising kaya nailipat na ito ng ibang kwarto. Nabaling ang tingin niya sa bumukas na pinto at iniluwa niyon si Denrick kasama si Celestine at ang Luna ng Asgard na si Princess Yleen. "Isinama ko na si Yleen para mas maipaliwanag niya sa'yo ang tungkol sa Amulet." si Celestine. Marahan siyang tumango kuway inalok niya ang dalawa na maupo. "Your highness." "Cut the formality, Stone. Yleen nalang." tumango siya bilang sagot rito. "Kamusta na si Zee, may imp