HINDI sila makapaniwala habang nakatingin sila kay Zee na sinusuri ng isang nurse mula sa labas ng ICU room. Napa hilamos siya sa sariling muka kuway ipinagsalikop ang mga kamay. "Papaanong nasa katawan ni Zee ang asawa mong si Francess?" naguguluhang tanong ni Celestine. Mahimbing pa rin na natutulog sa kandungan nito si Samantha. "Marahil dahil ito sa amulet." si Denrick. "Nagkaroon ng lamat ang amulet dahil sa balang tumama rito, marahil dahil doon kumawala ang wolf spirit ni Miss Francess, at dahil nanghihina si Miss Zee nagawa nitong gamitin ang katawan niya." "Paano ang kaibigan ko? Si Samantha? Ano nalang ang magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang ibang tao ang nasa katawan ng Mama niya?" Humugot siya ng hangin at agad din 'yon pinakawalan. "Celestine, hindi ba may kilala k