TINUTOK niya ang hawak na sniper rifle sa ibaba kung saan nagbubunuan ang magkabilang kampo. Hindi na niya kailangan hulaan kung sino ang dapat patamaan dahil dahil alam niya kung sino ang kalaban sa hindi. Nang kalabitin niya ang trigger ay nakita niya ang pagbagsak ng isang werewolf. Hindi niya akalain na hindi pa nangangalawang ang pagiging sharp shooter niya. Sinunod pa niya ang isa at ang isa pa. Nang ibaling niya sa kaliwa ang scope ay doon siya natigilan nang makita niyang nakikipagbunuan sa hunters si Stone. Hindi pa ito nagpapalit ng anyo pero kitang kita pa rin niya na kayang kaya nitong lumaban. Nakita niya ang pagsugod ng isang omega sa likuran nito kaya naging alerto siya. Sinigurado niyang tatamaan ito bago niya kinalabit ang trigger. Sa ulo nito lumubog ang bala at pagkuw