"Pinatay ni Marcelo ang asawa mo para mabigyan ng pangalawang buhay ang anak niya." Nasabunutan ni Stone ang sariling buhok nang umecho sa isip niya ang sinabi ni Fernando kanina. Bumalik na sa ala-ala niya ang tungkol sa taong pumatay sa kanyang pamilya at mag-ina pero ang impormasyong nalaman niya ngayon lang ay bago sa kanya. Nitong mga nakaraang linggo, gumugulo sa kanyang isipan ang muka ni Zee. Inaalala niya kung may kaugnayan ba talaga sa kanya ang babaeng 'yon. Kahit alam na niyang mayroon ay mas nakumpirma na ngayon ang katotohanan. Nagagalit siya sa sarili kung bakit hindi niya magawang magalit rito? Galit siya pero hindi niya alam kung bakit hindi niya ito magawang saktan. Galit siya pero hindi niya alam kung bakit nag-aalala siya ngayon sa kalagayan nito. Alam na niya ang k