NANGHIHINANG bumangon sa kama si Zee habang sapo ang umbok na niyang tiyan. Agad siyang napatingin sa kaharap na salamin kung saan nakikita ang buo niyang katawan. Tumayo siya at humakbang siya palapit dun kuway pinagmasdan ang kaniyang sarili. Napahawak siya sa magkabilang braso nang makita niya ang malalaking pasa mula sa reflection ng salamin. Bukod sa mga pasa na tila binugbog ay malaki din ang kanyang pinayat. Ito na ba ang sinasabi ni Torch sa kanya? Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng umalis sila Celestine pero kahit malayo ito ay hindi nito nakakaligtaan tawagan at kamustahin siya. Sa dalawang linggong 'yon hirap na hirap siya pero wala naman siyang magagawa kundi labanan ang lahat ng sakit. Kailangan niyang lumaban para sa baby niya. Lumabas siya sa kwarto at dumiretso